-20-

494 15 1
                                    

CHAPTER TWENTY

Kalalabas ko pa lang ng gate ng Municipal Hall ng makita ko ang nakaparadang sasakyan ni JV. Alam kong sakanya ang Mazda na yon. Nakita ko rin syang nakatayo doon at nakatungo sa cellphone na hawak. Sino naman kaya ang katext ng lalaking ito? Siguro yong babae doon sa Mall kahapon. Ngayon ay narito siya sa harapan ko at nakatungo parin. Di ko alam kung lalapit ba ako sakanya o lalayo ako.

Para kasing di ko pa siya kayang harapin pero di ko rin kayang talikuran siya. Bago pa ako nakapag-isip ay nag-angat na siya sakin ng tingin. Nagtama ang tingin namin. Tinago niya sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone at saka naglakad palapit sakin.

“Anong ginagawa mo rito, JV?” tanong ko sakanya ng makalapit siya sakin.

“Lets eat somewhere.” Nakangiting sabi niya.

Tumango ako bilang pagpayag at saka na sumakay sa kanyang sasakyan. Di ko nga alam kung bakit kelangan niya pa akong sunduin eh. pakiramdam ko ay nakakaabala ako sa kanila ng girlfriend niya.

“JV. Baka nakakaabala ako sayo” sabi ko sakanya.

Napatingin siya sakin. Nagmamaneho na siya kaya sumulyap lang siya at agad tumingin na sa daan.

“What? You are not” sabi niya.

“Ahm. gusto kong tanungin kasi. 2 months kitang di nakita. Siguro masyado kang busy noh.” Sabi ko sakanya.

“I’m busy with work. I went to Cebu. Nagbukas yong isang branch ng restaurant doon” sabi niya.

Di na ako sumagot. Gusto kong itanong yong tungkol sa babae na nasa Mall na kasama niya kaso hindi ko alam kung pano ko iyon tatanungin sakanya.

Inihinto niya ang sasakyan sa main branch ng restaurant nila.

“Lets go” sabi niya at saka na ako bumaba sa sasakyan.

Pagpasok namin ay medyo puno na yong tao pero buti at may isang bakanteng upuan. Di ko alam kung bakante ba ito o sadyang pinareserve parin sa amin ni JV.

Naupo kami roon at nag-order na siya ng makakain. Same lang naman lagi ang order ko rito dahil yon ang favorite ko.

“Bakit mo pala ako inayang mag-dinner ngayon, JV? Baka maging abala pa ako sa inyo ng girlfriend mo” saad ko sakanya. Di ko alam kung bakit ganito yong nararamdaman ko. Nong nakita ko siya kasama ang dalawang babaeng yon ay parang naninikip ang dibdib ko. Siguro ay di lang ako sanay na may binibigyan siya ng attention. Sa loob ng limang taon ay ako lang yong napagtuunan niya ng pansin kaya naman nasanay na ako na ako lagi ang nasa tabi niya but now I feel he doesn’t need me anymore at parang nasasaktan akong isipin yon. Pero wala akong nararamdamang romantic feeling para sakanya.

Tinignan niya lang ako na parang may mali akong nasabi. Maya-maya ay dumating na ang order namin saka na siya nagsalita.

“She’s not my girlfriend. At wala akong girlfriend” saad niya at saka na kumain.

“Okay lang naman sakin na magka-girlfriend ka, JV” sabi ko sakanya.

Tinignan niya ako saka nagkibit balikat. Kinuha ko na lang yong tinidor at saka na kumain. For the first time I feel an awkward feeling between us. Samantalang dati ay komportable naman ako sa presensya niya.

“Did you see TOP already?” tanong niya kapagkuwan.

“Hindi pa.”

“Gusto mo bang ipagtanong ko kung saan siya nakatira? So you can see him” sabi niya ng di tumitingin sakin.

“Hindi na kelangan, JV. Kung talagang gusto niya akong makita ay pupuntahan niya ako sa bahay. Alam niya naman kung saan ako nakatira eh. Maybe he’s just busy” sabi ko.

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon