-29-

481 15 0
                                    

CHAPTER TWENTY NINE

Di ako mapakali habang nakaupo rito at hinihintay na matapos ang set. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay TOP ng harapan na hindi niya kami pwedeng ihatid dahil maghihintay sa amin si JV.

“Uy, Carms, okay kalang?” tanong sakin ni Green.

Napatingin ako sakanya at saka tumango. Pero deep inside ay kinakabahan ako. Kainis kasi. Bakit kelangan niya pa akong ihatid? Honestly ay gusto kong sumama sakanya kaso nagi-guilty ako simula pa kagabi. Nagi-guilty ako kay JV. I lied to him. Hindi ko sinabi na nagkausap kami ni TOP and TOP is pursuing me. Ayoko syang masaktan. I’m just protecting him pero bakit masama ang pakiramdam ko ngayon?

Hindi ko natuon ang isip ko sa eksena na ginagawa nila TOP bagkus natuon ang isip ko sa sasabihin ko mamaya sakanya. Alam ko sa sarili ko na mhihirapan ako.

“Carms, dali na, kunin na natin yong mga gamit sa hotel” sabi ni Haiti.

Tapos na ang scenes dito sa Pampanga at ngayon nga ay nag-aayos na sila para makaluwas na ng Maynila. Pasado alas-kwatro na ng hapon sila natapos.

Agad naman akong sumunod kina Haiti at Green papunta sa may Hotel. Naka-empake na kami kanina pa. Ngayon ay kukunin na lang namin at mag-che-check out sa hotel.

Naghihintay na kami sa may labas ng hotel para maghintay ng jeep para makapunta sa may terminal ng bus ng isang sasakyan ang huminto sa may tapat namin. Alam ko kung kanino yon. Kay TOP. iba na ang sasakyang dala niya. Hindi na siya pang-two seater dahil mukhang van siya.

Bumaba mula sa passenger’s seat ang naka-shades na si TOP at lumapit sa amin. Buti uunti ang mga taong narito at hindi siya pinagkaguluhan.

“Hi girls” bati ni TOP sa amin pero alam ko na nakatutok ang tingin niya sakin.

“Hi TOP” kinikilg naman na sabi nila Haiti.

Halos itulak pa nga nila nag isa’t-isa sa sobrang kilig kay TOP.

“A-anong ginagawa mo rito, TOP?” tanong ko sakanya.

Napatingin samin yong dalawang kaibigan ko.

“Kung gusto nyong sumabay---“ di ko na pinatapos ang sinasabi ni TOP.

“Sorry pero maghihintay na lang kami ng Jeep. Nakakaabala pa kami sayo, TOP” sabi ko sakanya.

Narinig ko ang pagsinghap ng dalawa.

“Pero, Carms?” angal naman ni Green.

“I’m offering you a ride” sabi naman ni TOP.

Tinignan ko ng masama si TOP. At saka ako naglakad palayo sakanila. At sinabi kong mag-si-CR ako but hindi naman dahil gusto kong sundan ako ni TOP at mag-usap kami gn hindi naririnig nila Haiti.

Sinundan nga niya ako sa may gilid ng hotel kung saan malayo na kami kila Green.

“Yeobo”

“TOP, hindi kami sasabay sayo.” sabi ko sakanya.

“I don’t take no for an answer”

“TOP, hindi pw---“ di ko natapos ang sinasabi ko ng mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko yon sa may bag ko at saka tinignan kung sino ang tumatawag.

JV calling…

 Agad tumambol ang dibdib ko ng makitang si JV ang tumatawag. D@mn.

“H-hello” agad kong sagot sa tawag niya habang nakatingin sakin si TOP. Nag-iwas ako ng tingin dahil yong tingin niya ay nanunoot sa aking kalooban.

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon