CHAPTER THIRTY EIGHT
Katatapos lang namin kumain at ngayon ay abala na sa pag-vi-videoke ang mga kasama ko. Nasa isang VIP room kaming lahat na magkaka-work mate para icelebrate ang b-day ni Mr. Dela Torres.
“UY, Carms, may malapit na bar dito ah. Gusto mo bar tayo after?” tanong sakin ni Ate Betty.
Umiling ako dahil di naman ako umiinom at saka di naman ako ganoong mahilig sa party eh.
“Sige na, Carms. Minsan lang to” pasigaw naman na sabi ni Gianne na isang kasamahan namin sa work na medyo ka-close ko na.
“Sorry, gabing-gabi na eh.” saad ko naman.
Hindi na ako nakarinig ng reklamo galing sakanila dahil na-focus ang atensyon nila sa pagkanta ng pinakamatanda naming work mate.
10pm na at medyo nagsi-is-alisan na rin ang iba. Yong iba ay nagpunta sa malapit na bar dito. Isang high class bar na pang-sosyal.
Kalalaba ko pa lang ng resto bar.
“Sige, kita kits na lang sa Monday” nakangising sabi ko sakanila habang nagpaalam.
Sumakay na sila sa isang taxi na naroon. Ako lang ang mag-isa na naghihintay ng taxi rito ng maamong mukha ni Jessy na inaalalayan ng isang lalaki. Nakaside view sila sakin kaya di ko sila makita lalo na yong lalaki na yon.
Nang malapit na sila sa isang itim na BMW ay saka ko lang nakita ang mukha ng lalaking yon. Halos madurog ang puso ko ng makita ang lalaking pinakamamahal ko na akap-akap ang asawa nyang si Jessy.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na maluha habang nakatingin sa kanilang dalawa. Parang nagkadapira-piraso na naman ang puso ko.
Nanginginig ang mga tuhod ko at parang mabubuwal na ako sa tindi ng sakit na nararamdaman ko. Parang bumalik lahat. Lahat-lahat. Kung di niya mahal si Jessy bakit niya pinakasalan? Bakit ganon niya i-care ang babaeng yon? This is unfair right?
Hindi ko na nakita pa ang sasakyan nila dahil nakalayo na iyon. Gustong-gusto ko ng umuwi pero wala man lang taxi na humihinto sa harapan ko. Kung andito lang si JV siguro siya na ang tinawagan ko para sunduin at aluin ako kaso wala siya eh. Umalis na siya sa buhay ko ng piliin ko si TOP. Maybe this is the consequences that I need to face. Pinili ko si TOP kaya dapat akong masaktan ng ganito.
Pinahid ko ang luha sa mga mata ko at saka pinara ang dumaraang taxi kaso may karga na iyon kaya di iyon huminto sa harapan ko.
Naghintay ako rito. Feeling ko ay nag-iisa ako habang lahat ng tao sa paligid ko ay nagsasaya.
Isang itim na sasakyan ang nakita ko na pumarada sa harapan ko. Akala ko ay magtatanong lang ng daan o kaya naman ay may ibaba lang kaso ng magbaba ng front seat window ay nakita ko ang mukha ni Ate Jo at ng asawa niya na syang mismong driver.
“A-ate jo?”
“Carms, anong ginagawa mo rito?” tanong niya.
“P-pauwi na po ako” sagot ko naman. Hinahanap ko kung kasama nila si JV kaso wala siya roon.
“Hop in. kami na ang maghahatid sayo. gabi na ah” saad niya.
Umiling ako. “Di na po. Mag-tataxi na lang po ako”
“Just hop in, Carms. Di naman ibig sabihin na sinaktan mo ang kapatid ko ay galit na ako sayo. I’m just a sister kaya gusto ko lang syang protektahan.” Saad niya.
Tumango ako ng pagbuksan niya ako ng pinto sa may back seat. Naupo ako roon at feeling ko ay may wall na nakapagitna sa amin ni Ate Jo. Di na katulad ng dati na close kami. Siguro ganun talaga.
BINABASA MO ANG
HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)
RomanceBOOK 2 OF HIS SECRET GIRLFRIEND (FIN) Story written by Leafika Jaey © 2014