CHAPTER THREE
Carmela
Kumakain kami ni JV dito sa may restaurant nila ni Ate Jo. Di sumabay si Ate Jo dahil tapos na raw syang kumain at may gagawin daw siya sa office. Napatingin naman ako kay JV na busy sa pagkain. Ang dami ring kumakain sa restaurant na ito at narito kami sa may pinakasulok. Well, ako ang pumili non dahil ayoko ng masyadong expose sa mga tao.
“JV”
Nag-angat agad siya ng tingin sakin. “hmmm. Bakit?” tanong niya.
“Kelan ka bibili ng gift para sa baby nila Merry?” tanong ko sakanya. Isa kasi si JV sa ninong ng bata.
“Bukas siguro kapag free ako” sabi niya. “Ikaw?” tanong niya.
Uminom muna ako ng tubig saka siya sinagot. “Sabay na lang siguro ako after ng work.” Sabi ko sakanya.
“Okay” sabi niya saka na kumain. Medyo nanibago ako kay JV. Dati-dati kasi ay lagi syang nagkwe-kwento ng kung anu-ano. Ang daldal kaya nyan. Pero ngayon bakit ang tahimik niya.
“May problema ka ba?” biglang tanong ko sakanya. Di ko sana tatanungin kaso naiintriga ako.
“What? Pano mo nasabi?”
“Kanina ka pa tahimik eh.” sabi ko sakanya.
“Wala akong problema. May iniisip lang” sagot niya.
“Sa babae mo?” nakangising tanong ko. Honestly matagal ko ng di nakikitang sumasama si JV sa ibang babae. Hindi katulad noon na lagi-lagi ay iba-iba ang babaeng kasama niya.
Natawa siya. “Hindi ah. Why jealous?” tanong niya.
Inirapan ko nga siya. Bakit naman ako magseselos. Wala na naman akong romantic feeling kay JV eh. Purely friendship lang ang kaya kong ialaya sakanya.
“Baliw. Hindi noh” sabi ko naman.
“I know” sabi naman niya saka na pinagpatuloy ang pagkain. naging seryoso ulit ang mukha niya. Siguro nga may problema talaga ito at ayaw nyang sabihin dahil nahihiya siya. Close na kami ni JV pero may mga bagay na di niya kinkwento sakin. Katulad na lang ng babaeng tinutukoy niya dati. Hanggang ngayon wala akong clue kung sino ang babaeng yon.
Maya-maya ay hinatid na niya ako sa may Munisipyo at saka na rin siya umalis. Nakita ko pa si Ate Betty isa sa mga kasama ko rito sa Munisipyo
“Si JV ba yon? Jowa mo na?” tanong niya.
Umiling ako. “Hindi, ate. Kaibigan ko lang” sagot ko.
“Weh? Laging hatid-sundo ka non eh. Baka naman kasi manhid ka lang at di mo alam na nililigawan ka na pala” sabi niya habang naglalakad na kami papuntang office.
“Hindi ate, ano ka ba? kaibigan lang ang turing non sakin” sabi ko naman.
“Ewan ko sayo, Carmela.” Sabi niya saka na siya umalis para magpunta sa office niya.
Inisip ko yong sinabi ni Ate Betty. Imposible namang magkagusto sakin si JV at saka may babae na syang mahal niya eh. Hindi siya pwedeng magkagusto sakin. At saka kaibigan siya ni TOP. Hindi maganda na gustuhin ako ni JV dahil magagalit si TOP.
***
“Sorry, kanina ka pa ba dyan?” tanong ko kay JV na nakatayo sa may tabi ng Maza niya. Ngayon kasi ay pupunta kami ng Mall para bumili ng gift para kay Baby Timmy na anak nila Merry at Tobi.
BINABASA MO ANG
HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)
RomansBOOK 2 OF HIS SECRET GIRLFRIEND (FIN) Story written by Leafika Jaey © 2014