-7-

541 13 0
                                    

CHAPTER SEVEN

Carmela

After ng work ko ay nakita ko na agad sa may labas si JV at nakahilig sa may sasakyan niya. nakapamulsa ang dalawang kamay niya. Ang daming napapatangay ng tingin sakanya kahit naka-shades na siya at naka-cap.

Agad akong lumapit sakanya dahil di niya ako napansn.

“JV” tawag ko.

Agad syang napatingin sakin.

“halika na” sabi ko sakanya.

Bitbit ko yong bag pack ko na naglalaman ng gamit ko para sa overnight stay namin sa Batangas.

Agad nyang kinuha ang bag ko at saka nilagay sa back seat at saka niya ako pinasakay sa passenger’s seat. Tinignan ko yong back seat naroon yong backpack ko at saka yong duffel bag niya at yong binili nyang crib na kelangan pang-i-assemble ay nasa likod din.

Napatingin agad ako sakanya ng makaupo siya sa may drivers’ seat.

“What are you looking at?” tanong niya sakin.

“Wala” sabi ko naman at saka umupo ng maayos.

Humilig ako sa may upuan. Malayo-layo pa kasi ang byahe namin.

“Just get some sleep. Gigisingin na lang kita” sabi niya sakin.

“Okay” sabi ko naman at saka pinikit ang aking mga mata. Inaantok na kasi ako at wala akong masyadong tulog kagabi dahil sa excitement ko sa news na binigay ni Big boss.

***

JV

Kung pwede lang titigan ko siya habang natutulog ay gagawin ko. Pero narito ako ngayon at nagmamaneho papuntang Batangas. Naalala ko tuloy yong sinabi sakin ni Ate Jo bago ko sunduin si Carmela.

“Alam mo, JV. Kung gusto mong mahalin ka niya. Ligawan mo siya. ang panliligaw di kelangan sinasabi yan. Ginagawa yan” sabi niya sakin.

“I don’t know how I would start courting her”

Natawa siya sa sinabi ko. “Just make her feel she’s the only one. Ang mga babae gusto nila yong feeling nila sila lang yong babae sa mundo. Make her feel that you’ll do everything for her”

“Of course, lahat naman kaya kong gawin para sakanya” sabi ko at saka na umalis.

 Ngayon siguro ang time para magpakatotoo sa nararamdaman ko. I don’t want to risk our friendship but if it is the only way to make her mine then I’ll take the risk.

Napangiti ako habang nagmamaneho. Nag-iisip na rin ako ng mga bagay na maaring maging hint na mahal ko talaga siya. Ayokong biglain na sabihin sakanya ang nararamdaman ko. I want to take it slow. Maghihintay naman ako eh. Kaya kong maghintay sa pagmamahal niya even it takes forever dahil alam kong worth it siya sa pagmamahal ko.

Ilang oras din ang binyahe namin pero wala pa ako sa mismong simbahan ng Batangas kung saan gaganapin ang Binyag ni Baby Timmy.

Inihinto ko ang sasakyan sa may parking lot ng isang restaurant doon. At saka ko ginising si Carmela na hanggang ngayon ay tulog parin.

Nakita ko na gumalaw siya at saka umayos ng upo. Napatingin siya sakin.

“Andito na ba tayo?” tanong niya.

“Wala pa. pero kain muna tayo” sabi ko sakanya.

Tumango siya at saka na kami lumabas ng sasakyan. Pagkapasok namin sa restaurant aya agad na kaming naupo sa may bakanteng upuan sa may tabi ng glass door at saka may lumapit sa aming isang waiter at nag-abot ng menu.

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon