-2-

664 16 0
                                        

CHAPTER TWO

“Gusto kong magka-boyfriend na artista”

“Magiging artista din ako, pag nag-artista ako makikita mo. magugustuhan mo na rin ako”

“Pano ka magiging artista eh ang payat-payat mo”

“Makikita mo”  saad niya saka tumalikod….

Nagising ako mula sa panaginip na yon. Nakita ko ang sarili ko noong bata pa ako habang may kausap na isang batang lalaki. Hindi ko maaninag ang mukha niya. Masyadong Malabo pero ramdam ko na nangyari na ang panaginip ko na yon pero hindi ko maalala eh.

Agad akong bumangon mula sa kama ng mag-alarm ang cell phone ko. Naunahan ko na naman ito sa pagtunog.  Agad kong pinatay ang alarm ng phone ko at saka na bumaba sa kama. Nag-inat pa ako.

Pagkababa ko ay nakita ko na agad sina Mama at Papa na nag-aalumusal. Mula noon hanggang ngayon ay ganon parin silang dalawa. Tumanda lang sila ng limang taon at medyo halata na rin ang pagkulay puti ng buhok nila.

Napatingin sakin si Mama. “Anong oras ka ba susunduin ni Jasper?” tanong sakin ni Mama habang nagtotoothbrush ako sa may lababo.

“Mamaya po” sabi ko.

Hindi ko narinig na sumagot si Mama sa sinabi ko hanggang sa matapos ang mag-toothbrush at maupo sa kaibayong upuan ni Mama para mag-breakfast.

Tahimik lang kaming kumakain nila Mama katulad ng nakagawian. Agad na akong tumayo matapos kumain at sinabi kelangan ko ng maligo at mag-ayos dahil may pasok pa ako sa munisipyo bilang clerk. Isang taon pa lang ako sa gobyerno kaya medyo nahihirapan pa akong mag-adjust. Medyo maliit ang sahod pero okay na rin dahil sa extra na trabaho sa publishing company.

Pagkatapos kong mag-ayos ay syang pagtawag sakin ni Mama. Naroon na raw si JV sa baba. Paniguradong nagkwe-kwentuhan na naman sila ni Papa.

Tama nga ang hinala ko ng makababa na ako. Umiinom ng kape si Papa habang kausap si JV na nakaupo naman sa sofa. Ngumi-ngiti siya paminsan-minsan habang kinakausap ni Papa at Mama.

Nang tumikhim ako ay napatingin sila sakin.

“Andito na pala siya eh” sabi ni Papa.

Agad napatayo si JV. Simula noong pinakilala ko syang boyfriend ko kila Mama ay naging malapit na siya sa parents ko. Hanggang ngayon ay ang alam nila ay kami parin kahit ang totoo ay hindi naman talaga.

“Sige po Tita, Tito” sabi niya saka nagpaalam kila Papa.

Nagpaalam naman ako sakanila bago lumabas ng bahay. Nang makalabas kami ay binilin pa nila si JV na magdahan-dahan lang sa pagmamaneho at mag-ingat kami. Lagi naman nilang sinasabi yon kaya natatawa na lamang kami ni JV.

“Pasok na” sabi niya ng pagbuksan niya ako ng front seat. Napaka-gentleman talaga niya kaya siguro ang daming nagkakagusto at humahanga sakanya. Kahit naman na di na siya ganoong active sa showbiz ay marami parin naman syang fans. Di nga lang katulad ng dati.

Agad naman akong pumasok sa loob ng Mazda at saka niya iyon sinara. Bagong sasakyan na naman ito. Hmmm.

“New car ha” sabi ko ng maupo siya sa driver’s seat.

Natawa siya. “Of course. At ikaw pa lang ang nakasakay dito” saad niya saka kumindat sakin.

Sanay na ako sa mga ganyan niya. Limang taon ko ba naman syang nakasama.

Natawa naman ako at saka biniro siya. “Weh? Eh yong mga babae mo di mo sinakay rito?” tanong ko naman.

“Ouch. Wala kaya akong babae. Ikaw lang” sabi niya.

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon