-6-

542 14 0
                                    

CHAPTER SIX

Carmela

Nag-undertime ako buti na lang at pinayagan ako. Mababawasan man ang sahod kaso kelangan kong magpunta ng Publishing Company. Kakausapin kasi ako ni Big boss eh. Nagtaxi ako para makapunta roon. Kanina pa ako tinitext nila Green kung nasaan na raw ako.

Nang makababa ako sa may street ay naglakad na lang ako papasok doon. Sa loob kasi ang Building ng Sweet Romance eh. Medyo malaking building din ang pinasukan ko at saka ako nagpunta ng elevator. Sa may 5th floor kasi ang office ni Big Boss. Yong ang last floor ng building.

Pagkabukas ng elevator ay nakita ko na agad ang secretary ni Big boss na nakaupo sa kanyang table roon.

Agad ko syang tinawag. Agad syang napatingin sakin at saka tumayo.

“Ms. Frias. Nasa loob na si Boss kasama si Ms. Rossy” sabi niya at saka binuksan ang pinto ng office ni Boss.

Agad akong pumasok sa loob pati na rin siya. Napaangta ng tingin sakin si Boss at saka tumayo para batiin ako.

“Good afternoon, Ms. Frias. Glad that you came. Sit down please” sabi niya saka ako pinaupo sa kaibayong upuan ni Ms. Rossy na editor ko.

“Kaya kita pinatawag ay para sabihin sayo na binibili ng Star Cinema ang rights ng libro para gawing movie. Of course, ayaw naman naming magdesisyon agad without your authorization. Gusto nilang gawing movie ang nobela mong His Secret Girlfriend. So, ano ang desisyon mo?” tanong ni Big boss. Talagang direct to the point agad sila.

Natuwa ako dahil sa sinabi ni Big boss. Malaking company ang Star Cinema para gawing movie ang isang nobela ko. At tama nga sina Green at Haiti sa information nila. Mukhang kelangan ko nga silang ilibre ng star bucks.

“Thank you, sir. Kung para naman po ito sa mga readers na gustong makita ang novel ko into movies why not sir. Malaking oppurnity po ito para sakin” sabi ko.

Napangiti siya sa sinabi ko.

“Then, it’s settled. Sasabihin ko agad sa management ng SC ang sagot mo. Thank you, Ms. Frias and Congrats” sabi niya saka ako kinamayan.

Kinongrats din ako ni Ms. Rossy at ng sec. ni boss.

After non ay umalis na rin ako at nagpunta ng Star bucks dahil naroon daw sina Green at Haiti. Malapit lang naman ang Star bucks dito sa amin.

“OMG! I told you” bulaslas ni Green pagkaupong-pagkaupo ko sa upuan.

“Ang ingay mo, Green” suway ko sakanya.

“Sareh. Hahaha. Anyway. So sino ang gaganap?” tanong niya agad sakin.

“Ano ka ba? wala pa noh. At saka kasasabi lang sakin ni Big boss at saka wala pang contract signing from Star Cinema” sagot ko naman.

“Kahit na noh. Congrats.” Sabi ni Haiti sakin at saka ako niyakap.

“Thanks guys” sabi ko naman.

Nagtatalon naman si Green sa tabi ko na excited sa libre. Yeah right. Ako ang nag-order para sa kanila dahil nga libre ko. Minsan talaga mukhang libre itong mga ito.

Hinintay naming tawagin yong name namin. Kaya naman andito lang kami at nakaupo habang chinichika ako ng dalawa.

“Sa tingin mo, Haiti sinong bagay kay Elle at Kris?” tanong ni Green kay Haiti.

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon