PROLOGUE
“Carm” tawag sakin ni Delaney at saka niya ako niyakap ng mahigpit ng makaalis si TOP.
Umalis na si TOP. Sakay na siya siguro ngayon ng private jet at papunta na syang Korea. Di ko mapigilan ang sarili ko na maiyak.
“Wala na siya, Laney” sabi k okay Delaney habang yakap parin niya ako.
“Shh. Tama na, Carms.” Sabi niya sakin habang hinahagod niya ang likod ko.
“Carmela” napatingin ako kay JV. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala.
“TOP doesn’t want to see you cry.” Saad niya sakin.
Alam ko naman yon eh, ayaw niya akong umiyak dahil wala siya para patahanin ako. Bumitaw ako kay Delaney.
“Uwi na tayo” sabi ko habang pinupunasan ang mga luha sa mata ko. Ngumiti ako ng pilit kahit ang totoo ay di ako masaya.
Tumango ang ilan sa BB at saka nila ako sinamahan na umuwi. Lahat sila ay napakacaring at napakamaalalahanin sakin. Kumain muna kami sa restaurant nila Ate Jo at saka na nila ako inuwi.
Bumaba si JV sa sasakyan niya dahil siya na ang naghatid sakin pauwi.
“Are you sure you’re okay?” tanong niya sakin.
Ayaw kong magsinungaling sakanya at sabihing okay ako kahit ang totoo ay hindi naman talaga.
Umiling ako. “I miss him, JV.” Saad ko sakanya.
Niyakap niya ako ng mahigpit at saka siya may binulong sa tenga ko
“If you need me, I’m always here. You can cry on my shoulders” sabi niya.
Hindi ko na mapigilan ang sarili kong maiyak habang yakap niya ako. Ilang oras na simula noong umalis siya pero hindi ko parin matanggap na umalis na talaga siya. At hindi ko alam kung kelan ko ulit siya makikita.
Umiyak lang ako kay JV. Hindi siya nagsasalita pero ramdam ko na dinadamayan niya ako. Mahigpit ang yakap niya sakin at saka hinagod niya ang likod ko. Dahil doon ay mas lalo akong napaiyak feeling ko ay napaka-hopeless ko.
“Thank you, JV” sabi ko sakanya nang kumalas na ako sa yakap. Ayoko ng umiyak sa harapan niya dahil alam ko naman na pati siya ay nalulungkot din sa pag-alis ni TOP. Nawalan din siya ng isang matalik na kaibigan.
Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko. “Just call me if you need me, Carms. Andito lang ako para sayo, remember that” sabi niya sakin.
Tumango ako. “Tatandaan ko yan. Salamat sa pagcomfort mo” sabi ko sakanya.
“Be strong” yan ang sabi niya bago siya umalis sa harapan ko at saka na ako naglakad papasok sa loob ng bahay.
Buti at hindi ko nadatnan sila Mama at Papa roon baka tanungin pa nila ako kung bakit namumugto ang mga mata ko at namumula ang ilong dala ng kakaiyak ko kanina. Umakyat na ako sa kwarto ko at saka humiga agad sa kama kahit di pa ako nagpapalit ng damit pangbahay.
Pakiramdam ko pagod na ang isip at katawan ko ngayong araw na ito. Pakiramdam ko ay gusto ko munang magpahinga. Yong matutulog ako at saka pagkagising ko ay andito parin si TOP at tatawagan o te-text niya ako. Na hindi siya umalis, na hindi siya nakipag-break sakin.
Unti-unting namumuo yong luha sa mga mata ko. Agad ko yong pinunasan bago yun lumabas sa mga mata ko. Ayoko ng umiyak. Ayokong maging mahina.
Sabi nga ni TOP, I should live my life without him. I should go back to my normal life when we are still strangers to each other. Pero pano ko magagawa yon? Para sakin ay naging parte na siya ng normal kong buhay. Magagawa ko bang bumalik sa dati kong buhay ngayong wala siya. Ito ang nasa isip ko ngayon. Mahirap mag-move on eh. pero sabi nila makakalimot din daw ako at lalaon ay maghihilom din itong puso ko na iniwan ni TOP.
Sana sa pagdating ng araw na yon ay masaya na ako. Sana pagdating ng araw na yon ay kaya ko ng sabihin na naka-survive ako ng wala is TOP.
Ngunit ngayon ang tanging problema ko ay kaya ko ba? Makakasurvive ba ako?
I hope someone would mend my heart but I know that someone is TOP. Siya lang ang kayang gumamot sa puso ko ngayon. Siya lang ang kelangan ko ngayon. Si TOP lang…
TOP, bumalik ka na please….
I said to myself as I cried again for a thousand tears.

BINABASA MO ANG
HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)
RomanceBOOK 2 OF HIS SECRET GIRLFRIEND (FIN) Story written by Leafika Jaey © 2014