CHAPTER FORTY ONE
Tumagal din ng isang linggo pa si JV bago siya pinayagan ng doctor na umuwi. Maari na raw syang umuwi para doon na lang pagalingin ang natamong bali nito sa katawan. Kumuha si Ate Jo ng private nurse na syang mag-aalaga kay JV habang nasa may restaurant ito.
Pinasya kong magtungo sa bahay nila JV ng sabado. Pero tulog siya ng hapong dumating ako kaya naman tanging si Ate Jo lang ang nadatnan ko roon. Nakatingin kaming dalawa sa mahimig na natutulog na si JV sa kwarto nito.
“Matagal-tagal din syang di nakatulog ng payapa” narinig kong sabi ni Ate Jo. Kaya naman napatingin ako sakanya.
“Marami syang iniisip nitong nakaraang mga araw at isa ka na roon, Carms” Napatingin siya sakin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Hanggang ngayon at nararamdaman ko parin yong guilt na tinatawag dahil sa nagawa ko sakanya.
“I’m sorry, Ate Jo. Sorry kung naging ganyan siya dahil sakin” nakayuko kong sabi. Isinara na niya ang pinto ng kwarto ni JV at saka ako tinignan.
“I don’t want to get mad at you. Sadya talagang makulit ang kapatid ko dahil kahit anong gawin ko ay ikaw parin talaga ang mahal niya at di ka niya kayang iwanan. As a sister I want to see him happy at alam ko na ikaw lang ang nakakapagpasya sakanya” saad nito habang naglalakad patungo sa may sala. Nakasunod lang ako sakanya habang naglalakad sya at pinakikinggan ko ang sinasabi niya.
“JV suffered a lot from the heartbreak. Kahit anong gawin ko ay ayaw nyang makinig. He always wanted to see you. Ilang beses ko na syang sinabihan na mag-move on na siya dahil alam ko naman na kapag mamimili ka si TOP ang pipiliin mo dahil siya naman ang mahal mo” she stopped and look directly to my eyes.
“Carms, I want to tell you something. Alam ko na di ito sasabihin ni JV sayo dahil ayaw nyang masira lahat. Ayaw nyang maguluhan ka but I want you to know it”
Hindi ko alam kung anong tinutukoy nyang gusto nyang sabihin sakin pero nakinig pari ako. Pinaupo niya ako sa may sofa at naupo siya sa katapat ko.
“Kayong dalawa ni JV ay magkababata pa noon, Carms. Nakatira pa kayo non sa Maynila katapat ng bahay namin. You used to be his bestfriend at alam mo bang nagustuhan ka na niya agad dahil doon. You were only 8 years old then and his 12. Akala namin nila Mommy it is just a puppy love pero nong sinabi niya sa amin na gusto nyang tuparin yong wish mo na magkaroon ng boyfriend na artista nong bata ka ay nagtaka na kami. He’s a shy guy. We discourage him. At nong umalis kayo ay naging malungkutin na syang bata. Until one day nalaman ko na sumasali na siya sa mga ramp model when he’s 16. Akala ko ay pagre-rebelde niya iyon ng magkahiwalay sina Mommy at Daddy pero hindi eh. Dahil gusto niya raw mag-artista at gusto niya kapag natupad na yon ay hahanapin ka niya at tutuparin mo yong pangako mo na magiging kayo. But sadly he became an artist kaso na kay TOP ka na non. Natakot ako para kay JV dahil ikaw yong babaeng minahal niya sa buong buhay. He’s obsessively in love with you, Carms”
Hindi ko alam kung saan ako hahanap ng salita para sagutin si Ate Jo. My mind couldn’t reload right now. Parang nag-hang ang utak ko sa aking nalaman. Shit. Hindi ko alam kung bakit di ko alam ang nangyari na iyon. Kilala ko na pala si JV nong bata pa ako? Kaya ba nagkaroon gn reaksyon sina Mama at Papa ng ipakilala ko siya noon sa kanila? Bakit di ko maaala?
“I-I can’t remember anything” saad ko.
Gusto kong maalala pero bakit di ko maalala ang parte na iyon ng buhay ko. Ginanap ni Ate Jo ang kamay ko.
“Di ko alam kung anong nangyari at di mo siya maalala. I just want to tell this to you hindi para kaawaan mo siya kundi para malaman mo kung anong mga bagay na nagawa niya sa sobrnag pagmamahal niya sayo.” saad nito.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. I wanted to escape everything. Sumasakit ang ulo ko. Ang daming information. Ang dami kong nalaman sa nakaraan ko. Kay JV.
“Carms”
Halos di ako makaget over sa sinabi ni Ate Jo.
Umiling ako at saka agad na lumabas ng bahay nila. Gusto kong sumagap ng hangin. Parang naninikip ang dibdib ko. Si JV kilala ko na pala siya dati pa. Lahat ng paghihirap niya ay dati pa pala noong mga bata pa kami. Bakit di ko maalala yong pangako ko sakanya? Kung maalala ko ba yon, may pag-asa ba na siya ang mahalin ko? Kung di ko ba nakalimutan iyon hindi dapat si ang minahal ko kundi si JV? Ang daming what ifs sa utak ko.
Agad akong pumara ng taxi para makauwi ng bahay. Parang bumubuhos lahat ng nararamdaman ko at gusto kong maiyak. Ang gulo-gulo. SObrang gulo.
Nang makauwi ako ay agad akong nahiga sa aking kama at namaluktot. Naiyak na lang ako sa lahat ng bagay from TOP being married to Jessy to knowing that JV is my childhood bestfriend. Na hanggang noon pa pala ay mahal na niya ako. I wanted to cry. Bakit ang hirap ng ganito? Bakit ang daming what ifs sa utak ko na gumugulo sakin? Ang dami kong tanong kaso di ko alam ang sagot. I want to know everything.
***
“Ma, Pa”
Napatingin sakin sina Mama at Papa ng magsalita ako habang kumakain kami sa hapagkainan. Napatingin silang dalawa sakin.“M-may nangyari bas akin nong bata ako kaya di ko maaala na tumira tayo ng Maynila non?” tanong ko sakanila.
Agad napatingin si Mama kay Papa. Hinintay ko kung sino ang magsasalita sa kanila.
“Hindi namin nasabi sayo na nagkaroon ka ng aksidente non at nakalimutan ang pagkabata mo. Sorry, anak. Akala namin ay maaalala mo yon kaya di na namin nabanggit sayo na si JV ay kababata mo” saad ni Mama.
“Alam ko na po ngayon, Ma. Kaya po ba ganun ang reaksyon nyo nong pinakilala ko siya?”
“Oo, mabait na bata si JV. Bata ka palang ay gusto ko na siya para sayo. He’s a nice man. He came from a decent and good family. Kaya naman natuwa ako ng malaman kung kayo na kaso ngayon anong nangyari bakit kayo naghiwalay?” tanong naman ni Papa.
Umiling ako saka. “Ma, Pa, I-I’m sorry po. I-I lied” saad ko. Nag-unahang tumulo ang luha sa mga mata ko. Siguro nga pagpinipigilan mo ang nararamdaman mo ay mag-bu-burst iyon.
“Anong sinasabi mo?” tanogn ni Mama.
“H-hindi po naging kami ni JV. Kaibigan ko lang po siya. Sorry po kung nagsinungaling po kami. Sorry po” saad ko habang nakayuko.
Matatanggap ko kung magalit sakin sina Mama at Papa. Alam ko na naloko namin sila ni JV. Hindi ko na dapat sasabihin ang totoo ay hahayaan na lamang na maniwala sila na naging kami ni JV kaso ngayon. Parang ang tanging gusto kong gawin ay ang magpakatotoo sa nararamdaman ko. All my life I lied to them. Tinago ko ang relasyon namin ni TOP sa mga magulang ko. Niloko ko sila sa pamamagitan ng pagpapanggap na kami ni JV. All my life I was never been true to myself. Ngayon lang kung kelan natauhan na ako.
Nabitawan ni Papa yong tinidor niya. Wala akong narinig mula sa kanilang dalawa. Naramdaman ko na lang ang pagtayo ni Papa at pagtawag dito ni Mama.
“Ma, I’m sorry po” naiiyak ko paring sabi.
She just looked at me with pity on her eyes. “Kakausapin ko lang ang Papa mo” saad niya saka tumayo at dinaluhan si Papa.
Maybe this the price I need to get for being a liar and selfish. I am not true to myself. Lahat ay kasinungalingan lang sakin. Siguro karma ko lahat yon.
BINABASA MO ANG
HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)
RomanceBOOK 2 OF HIS SECRET GIRLFRIEND (FIN) Story written by Leafika Jaey © 2014