-27-

480 15 2
                                        

CHAPTER TWENTY SEVEN

Simula ng mangako ako kay JV ay di ko na muling nakita pa si TOP. Yon na nag huli naming pagkikita yong sa restaurant. 3 weeks na rin ang lumipas. Puro trabaho at bahay lang naman ako pati rin si JV ay busy na rin sa trabaho niya. Minsan lang niya akong nasusundo sa trabaho dahil busy siya. Saturday ng umaga ay excited na nagpunta sina Haiti at Green sa bahay. Kinulit nila ako ng kinulit na samahan ko raw silang manood ng shooting. Nong una talaga ayaw ko dahil nga naroon si TOP pero kinulit nila ako ng todo. Nagpaawa effect pa sila. Di daw sila makakanood kapag di ako kasama. Kaya naman heto at papunta kami sa set. Sa may Pampanga ang ginawa nilang location sa halip na sa Pangasinan. Mas malapit sa Maynila mas maganda lalo na at pabalik-balik ng Maynila ang mga ibang artista. Twice a week lang kasi sila kung magshooting.

Sumakay kami ng bus nila Haiti at Green. Habang asa may bus ay nagtext sakin si JV. Kung pwede lang daw sana siya ay sasamahan daw niya kami kaso busy siya sa expansion ng restaurant nila. Binalaan niya ako na wag daw lalapit kay TOP.

Sinabi ko naman sakanya na baka wala roon si TOP kasi wala naman sa storyline na may scene siya sa probinsya at kung sakali mang andoon siya hindi na ako ulit lalapit kay TOP kahit na may parte parin sa pagkatao ko na gusto ko syang makita.  

“Carms” tawag sakin ni Haiti.

Napalingon ako sa kanila. Magkatabi kasi silang dalawa ni Green.

“Andoon ba si TOP?” tanong niya sakin.

Nagkibit-balikat ako.

“Sana andon siya. Yon pa naman ang pinunta namin doon” sabi ni Green.

Di na lang ako umimik. Siguro kung andon siya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Siguro naman ay malinaw na sakanya na ayoko na at sumuko na ako. Siguro nga. Dahil siya naman ang naunang sumuko sa amin. Siya naman ang naunang naka-move on.

Pakiramdam ko ay naiiyak na naman ako sa tuwing naiisip na wala ng nararamdaman si TOP sakin. Na nabalewala lahat ng pinagsamahan naming dalawa. Para sakanya napakadaling kalimutan yon sakin hindi eh. Mahirap magmove on.

Bumaba na kami sa terminal at saka sumakay ng jeep at nagtungo na sa mismong set. Nagulat pa nga sina Direk ng makita kami. Pero  inaya namin kami sa may tent para doon muna tumuloy habang hinihintay ang ibang artista na on the way pa lang.

Sina Haiti at Green ay abala sa kaka-selfie. Nasa may isang school kami rito sa Pampanga. Sabado kaya walang pasok pero may mga taong gustong manood na nakikinood kahit wala pang eksena.

Nakaupo lang ako roon at naghihintay. Nag-aayos naman ng set ang iba.

Dumating na si Carty kasama ang assistant niya at agad syang sinalubong ng make-up artist at inabutan ng script. Naupo siya roon at nagbasa ng script habang nagpapahinga.

30 minutes na at inaayusan pa lang si Carty. Kanina pa pabalik-balik si Direk sa set at may tinatanong sa production assistant. Mukhang may hinihintay silang tao. Andito naman na yong ibang artista.

“OMG.” Bulaslas ni Green habang halos patakbong lumapit sakin.

“Bakit?” tanong ko sakanya.

“He’s here. OMG. Andito si TOP” saad niya.

Halos mapanganga ako ng makita ang naglalakad si TOP. Suot ay putting t-shirt na humahakab sa matipuno nyang katawan at saka jeans. Nakasuot din siya ng shades kaya di ko makita kung saan siya nakatingin. Halos maghiyawan na yong mga tao ng makita siya.

“TOP, buti naman at dumating kana. We are about to start the scene. Magpayos ka muna” sabi ni Direk at saka tinuro yong isang make-up artist na naroon.

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon