CHAPTER TWENTY FOUR
JV
Tulog na si Carmela ng matapos akong magluto at binalikan siya sa sala. She fell asleep. Kanina ay halos ayaw nyang huminto sa pag-iyak. Naawa ako sakanya ang I hate myself because I’m not there when she needed me. Mas inuna ko yong pag-move on ko sakanya. Di sana naroon ako noong kinompronta niya si TOP. Kaibigan ko si TOP pero kung ganito na sinaktan niya na yong babaeng pinakamamahal ko nababawasan yong pagtingin ko sakanya bilang kaibigan.
Naupo ako sa tabi ni Carmela at tinignan ang pagtulog niya. Still she’s beautiful when she’s asleep. Napakapayapa nyang tignan na para bang wala syang problema kahit ang totoo ay sobrang hirap na siya dahil sa sakit na nararamadaman. Kung pwede lang akuin yon.
Parehas kami ng sitwasyon pero ngayon ko narealize na mas masakit pala yong hindi ka na mahal ng taong mahal mo kesa sa di ka niya mahal. Agad kong pinatong ang ulo niya sa balikat ko at niyakap siya. Kahit sa ganitong paraan lang mapakita ko sakanya na andito ako para sakanya.
Dahan-dahan syang gumalaw at dumilat. Napatingin siya sakin.
“JV” tawag niya.
I hug her tight and kiss her hair. Gusto ko itong nararamdaman ko na magkalapit lamang kami ni Carmela. Dahil sa ganitong paraan ay nararamdaman ko na ako ang kelangan niya ngayon.
“Hush now, Carms” sabi ko sakanyang tenga.
Niyakap niya ako ng mahigpit. I don’t know if she’s crying. Pero wala akong pakialam kung mabasa man ng luha niya ang polo-shirt ko basta mapagaan ko lang ang nararamdaman niya ay ayos na ako.
***
CARMELA
Naramdaman ko ang yakap ni JV sakin. I’m so blessed because he’s here with me. Kung wala siya di ko na alam kung sino pa ang pwede kong lapitan at iyakan. Hindi naman maari sina Green at Haiti dahil wala naman silang alam samin ni TOP.
“Hush now, Carms” sabi ni JV.
Niyakap ko siya at sinubsob ko pa lalo ang mukha ko sakanya. I feel secured when I’m inside his arms. Pakiramdam ko may kasama ako na may kakampi ako.
Tinanggal niya ang pagkakayakap sakin. “Tapos na akong magluto. Lets eat” nakangiting sabi niya. Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko.
Nagpatinaod ako ng igaya niya ako sa may dining area kung saan nakahanda ang pagkaing pagsasaluhan namin. Pinaupo niya ako bago siya naupo sa katapat kong upuan.
Sinerve ng mga katulong ni JV ang pagkain sa amin. Tahimik lang akong kumakain. Alam ko na ayaw nyang magsalita dahil ayaw nyang ipaalala sakin yong nangyari kanina. Pagkagising ko akala ko okay na lahat pero totoo pa lang nangyari yon. Di tuloy ako makakain. Parang may bumara sa lalamunan ko ng maalala ang nangyari kanina. TOP tried to get into my pants sa pag-aakalang ang gusto ko sakanya ay SEX lang. But d@mn it. Mahal ko si TOP naghintay ako sakanya tas ng bumalik siya akala ko ito na yong right time na sinasabi niya na pwede na kaming dalawa. Pero hindi pala. Sumuko siya. Di na niya ako mahal. Di na.
“Carms” narinig kong sabi ni JV.
Napatingin ako sakanya.
“You need to eat” sabi niya. Nag-aalala siya sakin.
Tumango ako at saka tinuon ang pagkain. Parang wala akong ganang kumain ngayon pero tinry ko parin. Alam ko na pipilitin ako ni JV na kumain.
Matapos kumain ay nagpasya na akong magpaalam na uuwi na lang ako sa amin. Alas-dos na pala ng hapon.
BINABASA MO ANG
HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)
RomanceBOOK 2 OF HIS SECRET GIRLFRIEND (FIN) Story written by Leafika Jaey © 2014