-28-

498 16 3
                                    

CHAPTER TWENTY EIGHT

10pm ng magising ako. Tulog na parehas sina Haiti at Green. Bumangon ako dahil di na ako inaantok medyo nakakaramdam na ako ng gutom dahil hindi naman ako kumain ng dinner bago natulog. Lumabas ako ng kwarto at titignan ko kung may tao pa sa reception desk at kung pwede pang lumabas para makabili ng makakain.

Nasa may tatlong huling baitang na ako ng hagdan sa may first floor ng marinig ang usapan ng reception at ng isang guest.

“Sir, sa room 510 po sila naka-check in po. Siguro po ay tulog na sila eh.” sabi nito.

Narinig ko ang room number namin kaya napahinto ako sa pagbaba.

“Sa katabi ng room 510 vacant ba?” tanong ng guest.

“Yes sir, magche-check in po kayo?” tanong nito.

“Yes” sagot ng lalaki.

Wala na akong narinig na tinig mula doon kaya naman bumaba na ako ng palakad na ako ay papasalubong naman sa akin si TOP. Wait. Siya yong guest kanina?

“TOP?”

“Sir, samahan ko na po ka---“ di natapos ng receptionist yong pagsasalita niya ng makita niya ako.

“Andito na po pala si Ms. Frias. Siya po at yong  mga kaibigan niya yong nag-check in sa room 510, Sir” sabi nito saka na bumalik sa may front desk dahil may pumasok na namang guest na mag-che-check in ata.

“W-what are you doing here?” tanong ko sakanya. Napaatras ako.

“Yeobo” tawag niya sakin pero tumalikod na ako at umakyat sa may hagdan mabilis akong umakyat. Naririnig ko rin yong yabag niya na paakyat din. D@mn it.

Nang nasa may 5th floor na ako ay may humigit sa braso ko bago pa ako makadiretso ng room 510.

“Yeobo” tawag niya sakin.

Napaharap ako sakanya. “Bakit andito ka, TOP? You should not be here” sabi ko sakanya.

Dapat ay nasa kabilang hotel siya naka-check in at hindi dito sa mumurahing hotel na ito.

“D@mn. I want to be with you” sabi niya at saka niyakap niya ako ng mahigpit.

Tinulak ko siya pero hindi siya tuminag. Ang lakas niya eh. I want to escape from his hug baka kasi mamaya dahil doon ay matunaw ako at di ko mapigilan ang sarili ko na yakapin siya.

“Yeobo, please give me time. I’ll explain everything but not now please. I want to be with you again.” Sabi niya at naramdaman ko ang mga luha niya sa balikat.

He’s crying. “I want you for myself. Just give me a chance. I’m really sorry for what I’ve done. Yeobo”

I don’t know what to do. Seeing TOP begging to give him a chance makes my heart ache. Pero yong mga masakit na nasabi niya sakin yong nagawa niya di ko na alam eh. Naguguluhan na ako. I really wanna know the truth. Pero ayaw naman nyang sabihin sakin kasi masasaktan lang daw ako. D@mn it. Di pa ba ako nasasaktan ngayon. For almost 5 years I’ve been lonely without him.

Di ako nakapagsalita. Parang nalunok ko yong dila ko at parang naiiyak na rin ako. My heart says give him a chance but my mind says no. Pati puso at isip ko na ngayon ay nagtatalo at naguguluhan na rin.

He looked at me. Wala na yong mga luha niya pero yong mga mata niya ay halatang umiyak siya.

“TOP, please. Just-just give me time. Hindi ko kayang i-absorb lahat sa isang araw lang. I-I really wanna give you a chance pero masakit parin yong ginawa at sinabi mo sakin eh. Naguguluhan ako, TOP. Gusto ko sabihin mo sakin ngayon. Why won’t you tell me the truth? Dahil ba masasaktan ako? Ano bang tawag mo sa nararamdaman ko ngayon? I’m hurting, TOP” sabi ko sakanya.

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon