-16-

468 14 1
                                        

CHAPTER SIXTEEN

I had my new haircut for this New Year. Lagi ko itong ginagawa New Year kaya naman ngayon ay hanggang balikat na lang ang dating hanggang dibdib kong buhok. I also colored my hair dark brown para naman mabigyan naman ng highlight ang dating itim kong buhok. Hinati ko ang buhok ko. Mas marami sa kanan kesa sa kaliwa. Kaya kinailangan ko pang lagyan ng hairclip ang kanang buhok ko para di iyon makasagabal tuwing nagta-trabaho ako.

Tanging new hair lang yata ang bago sa buhay ko ngayong New Year. Dahil ganun parin ang routine ng buhay ko katulad ng last year. Trabaho at bahay. Magsusulat tuwing gabi. Ganun. Wala pa ngang balita tungkol sa Story conference ng Novel ko na magiging movie. Siguro ay abala ang lahat dahil New Year at naghahanap pa sila ng mga new artist na hindi full ang schedule.

Kinuha ko ang bag ko sa may table. Uwian na pala kaya naman. nag-ayos na ako ng hitsura ko. I comb my short hair then I put powder on my face. Dumungaw sakin si Ate Betty.

“Ayeh. Nagpapaganda ka ah. Para ba yan kay JV?” tanong niya. May mapanuyang ngiti na naglalaro sakanyang labi.

“Hindi” sabi ko at saka itinago sa bag ko iyong mga ginamit ko.

“Halika na nga. Baka asa labas na siya” sabi ni Ate Betty kaya naman tumayo na ako at sumabay na palabas.

May nagpaalam pa sa amin na co-workers namin kaya naman nakangiti lang ako habang palabas na kami.

Nang tuluyan kaming makalabas ng gate ay nakita ko na ang Mazda na sasakyan niya. Andon na naman ulit siya sa may labas ng sasakyan nakahilig doon katulad ng nakagawian. Ngunit iba ang suot niya ngayon. Naka-long sleeves siya na itinupi hanggang siko at naka-black slacks siya at black shoes. Dati kasi ay simpleng shirt at jeans ang suot niya kaya nanibago ako. Akala ko ay may magbabago sa aming dalawa lalo na noong umamin siya. Pero wala naaman. Still nandyan parin siya. Minsan hinahatid ako pauwi at dumadalaw parin sa bahay namin. Syempre dahil alam ng parents ko na kami nga ni JV. Ganun parin ang turing namin sa isa’t-isa though may mga time na kapag hinahawakan niya ako ay naiilang ako dahil alam ko na may ibang ibig sabihin non para sakanya.

“Sige na, Carms. Una ako. Bye.” Sabi ni Ate Betty sakin bago siya naglakad palayo.

Nilapitan ko naman si JV. Napatingin siya sakin at agad ngumiti. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat katulad ng dati. He’s still a gentleman. Nang makaupo na ako ay agad syang lumiko para magtungo sa driver’s seat.

“Anong meron sa suot mo ngayon?” nakangisi kong sabi habang nagda-darive na siya.

Tumingin siya saglit at ngumisi sakin. “May business meeting kami para sa pagtayo ng branch ng restaurant kanina. May gusto kasing mag-invest” sabi niya.

Tumango-tango naman ako at saka tumingin sa may labas ng bintana.

“Yayaman ka na naman” sabi ko sakanya.

Magaling siya sa pag-ma-manage ng restaurant nila ni Ate Jo. Baka nga kapag nag-migrate na si Ate Jo sa Switzerland kasama ang asawa nito ay kay JV na ang pamamahala ng restaurant.

Natawa siya. “I don’t think so. Hindi lang naman sakin yon. It’s a family business so. Hindi lang ako ang yayaman”

Ngumuso ako at saka hinilig ang likod sa may sandalan ng upuan.

“You’re tired” sabi niya.

“Hmm. Medyo.” Sabi ko sakanya.

“Anyway, may balita ka na about sa Novel mo?” tanong niya.

“Wala pa nga eh. Sabi nila they will inform me daw. Matagal pa yon. madami pa kasing naka-line siguro na mas priority nila” sabi ko naman.

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon