-8-

498 15 2
                                    

CHAPTER EIGHT

Carmela

Nakarating na rin kami sa wakas sa may simbahan kung saan gaganapin ang binyag ni Baby Timmy. Inayos ko muna ang sarili ko sa loob ng sasakyan ni JV. Mukha akong haggard dahil sa ayos ko. Ang haba kasi ng byahe kaya para akong exhausted.

Nag-apply ako ng foundation at saka ng lipstick. Pinusod ko rin ang buhok ko na lagpas balikat. Napatingin ako kay JV na nakatingin lamang sakin.

“Bakit?” tanong ko sakanya.

Kanina pa kasi nakatitig sakin. “May dumi ba ako sa mukha?” tanong ko ulit sakanya. Pero alam ko naman na wala dahil tumingin ako sa may salamin.

Agad syang umiling at saka nag-iwas ng tingin.

“Baka kanina pa nila tayo hinihintay” sabi niya saka na siya lumabas ng sasakyan.

Agad ko ng inilagay ang gamit ko sa aking bag at saka na rin lumabas. Gamit ang car key ay ini-lock niya ang pinto ng kanyang sasakyan at sabay na kaming naglakad patungo sa may entrance ng Simbahan.

Doon ay nakita ko na sina Merry at Tobi na magkasama at iniistima ang mga parating na bisita. Hawak-hawak ni Merry ang baby nito habang kausap ang may edad na babae.

“Hyung” agad na tawag ni JV sa kaibigang si JV kaya napatingin siya sa amin.

Lumawak ang ngiti nito ng makita kami. Napatingin din si Merry at ang babaeng kausap nito kanina.

“Carmela” bulaslas nito at saka lumapit silang mag-asawa sa amin.

“Buti at nakapunta kayo” sabi ni Tobi.

“Of course. Ninong ako eh” sabi ni JV.

“Buti at nakasama ka, Carmela. I really miss you” sabi naman ni Merry sakin. Agad akong napatingin sa baby na dala niya.

“Ang cute naman ng Baby mo.” sabi ko saka hinawakan ang maliit na kamay ng bata.

“Thank you. Gusto mong hawakan?” tanong niya saka inabot ang baby niya sakin.

“Ha? Pano ba siya hawakan?” tanong ko naman.

Tinuro niya sakin kung paano at saka ko naman iyon ginawa. Napaka-lambot at medyo mabigat na ang baby nila ni Tobi. Ang puti-puti niya at super cute.

“Hello, Baby Timmy” sabi ko sakanya habang hawak-hawak ko siya.

“Bagay mo palang maging mommy, Carmela” sabi ni Tobi kaya napatingin sakanya.

“Hindi noh. Ito ngang si Merry mas gumanda siya lalo nong naging mommy siya” sabi ko.

Natawa naman si Merry.

“Bakit di ka mag-asawa para magkaroon ka rin ng Baby” sabi ni Merry.

“Kaya nga. kung andito lang siguro si TOP panigurado mas nauna pa kayo kesa sa amin na magka----“

Di naituloy ni Tobi ang sinasabi niya dahil siniko siya agad ni Merry.

“Ang daldal mo talaga” sabi ni Merry kay Tobi.

“Ahm. Kunin ko na siya, Carms ha. Andyan na ata si Father” sabi niya at kinuha si Baby Timmy sakin.

Sumama naman na sa loob si Tobi para samahan ang mag-ina niya.

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon