CHAPTER FORTY SIX
“Ayos na ba ang mga gamit mo?” tanong sakin ni Mama habang sinasara ko na ang malaking duffel bag ko. Napalingon ako sakanya.
“Opo ma.” sagot ko saka naupo sa may edge ng kama at tumabi sakanila.
Hinawakan ni Mama yong kamay ko. “Malaki kana kaya alam kong alam mo na ang tama. At kung di mo pa kayang sabihin sa amin ang lahat ay maiintindihan ko” sabi ni Mama.
Naguilty ako sa sinabi ni Mama. Di ko nasabi sa kanila ng maayos ang dahilan kung bakit ako uuwi ng probinsya. Pakiramdama tuloy nila ay di ko sila kayang pagkatiwalaan pero hindi naman ganun yon eh. Ayoko lang makadagdag sa mga inaalala nila. Siguro dahil ayoko ng madagdagan pa yong sakit na nararamdaman nila Mama dahil sa akin.
“Ma. sorry po ah. Sorry po” saad ko. NIyakap ako ni Mama at saka hinagod ang likod ko. Kahit papaano nakaramdam ako ng comfort. Parang nararamdaman ko na kahit gaano kasakit yong nararamdaman ko dahil aalis ako ay napawi yun lahat sa yakap ni Mama.
“Mag-iingat ka don ah. Dadalaw kami ng Papa mo kung may pagkakataon. At saka babalik ka ha” saad ni Mama.
Tumango naman ako. Babalik ako at pag balik ko maayos na ako. Sisiguraduhin ko yon.
“Ma, mag-iingat din po kayo ni Papa rito” saad ko.
Tumango si Mama saka inayos ang nakatabing na buhok ko.
“OO naman. Halika na nga at kumain na tayo ng hapunan” saad ni Mama. Sabay na rin kaming lumabas ng kwarto ko.
***
Napatingala ako sa bahay namin. Mamimiss ko ang bahay na ito pero babalik parin naman ako.
“Halika na” saad sakin ni Papa. Ihahatid nila ako sa terminal ng bus. Sinabi ko na kahit hindi na at magtataxi na lang ako kaso ayaw nila.
Sinamahan nila ako sa terminal. Niyakap ako ni Mama at Papa bago ako sumakay na sa bus na magdadala sakin sa Pangasinan.
Umupo ako sa may tabi ng bintana at tinignan ang mga nagdadaanan ng sasakyan namin.
Goodbye Manila. Goodbye TOP…
***
Kasabay ng paglubog ng araw ay pagdating ko sa Pangasinan. Sinundo ako ni Auntie at ni Uncle. Masaya sila na makita ako lalo na ang pinsan ko na si Ced.
“Kamusta naman ang byahe?” tanong ni Aunte habang nasa may sasakyan na kami. Katabi ko ang batang si Ced na tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
“Ayos naman po, Auntie.”
“Buti naman at naisipan mo na dito ka titira” saad ni Auntie.
“Ayoko naman po kasing mag-isa sa bahay at saka gusto ko rin pong alagaan si Ced” sabay tingin ko sa limang taong gulang na si Ced.
“Nga pala nasabi sakin ng Papa mo na magtatrabaho ka rito? Gusto mo bang magtrabaho ulit sa Munisipyo?” tanong ni Uncle sakin.
“Kahit saan po okay lang sakin” sagot ko naman.
Hindi na sila kumibo at ako ay natutuk na lang ang pansin sa labas ng bintana. Puro palayan at saka palaisdaan ang madadaanan mo malayo sa lungsod ng Maynila.
This is my life now….
***
3 YEARS LATER…
“Ate Cam” Tawag sakin ng pitong taong gulang na si Ced ng sunduin ko siya sa kanyang eskwelahan. Isang pribadong eskwelahan kung saan malapit sa munisipyong pinagta-trabahuan ko.
Lumapit sakin si Ced at niyakap ako ng mahigpit. At saka ko kinuha yong bagpack niya pero ayaw nyang ibigay sakin.
“Ako na ate Cam, malaki na ako eh” saad niya saka nauna ng tumakbo papunta sa tricycle na sundo namin.
Ngumiti lang ako at saka naupo na rin sa tabi niya. Sa dalawang taon ko rito ay naging close na kami ni Ced. Minsan nga ay feeling ko mas close na siya sakin kesa kay Auntie na Mama niya.
Speaking of Mama. Umuwi sila nitong Bagong taon. Miss na raw nila ako kaya naman sila umuwi dito. Nakakamiss din naman sila at ang bahay pero nasanay na ako sa buhay probinsya. Wala masyadong polusyon at higit sa lahat walang nakakastress na mga bagay.
Pagkarating namin sa bahay ay tumakbo na si Ced papasok sa bahay kaya naman sinundan ko siya. Nakita ko na sila Aunte at Uncle na kumakain ng mangang hilaw sa may kusina. Inalok nila ako pero tumanggi ako. Dumiretso na ako sa kwartong tinutuluyan ko at saka nagbihis.
This is my life now. Simple pero tahimik. Malayo sa gulo, sa stress. Pakiramdam ko bumalik yong dating ako noong di ko pa nakikilala si TOP. Yong part kung saan ang tanging problema ko lang ay ang sarili ko. Wala na akong iniisip na iba. And this is it, this is my new life now.
Isang katok mula sa pinto ang narinig ko kaya naman binuksan ko yon.
“Kakain na ng hapunan” saad nito.
Tumango ako saka sumunod sa kanila. Nakaupo na si Ced at saka tumingin sakin at ngumiti. Naupo na rin ako at saka na kami nagsimulang kumain. After kumain ay tumutok na agad sila sa panood ng TV. At sa tuwing manonood sila ay di ako sumama dahil isa sa iniiwasan ko ay ang showbiz report patungkol kay TOP. At sa dalawang taon na yun ay nagawa ko naman.
Nagpunta ako ng labas dala ang aking laptop at saka nagtungo sa bahay kubo na naroon lang sa harapan ng bahay nila Auntie. Ito yong ginagawa ko tuwing magagabi. Magsusulat ng kung anu-ano.
Binuksan ko ang aking laptop at saka tinignan ko ang sinusulat ko. Ang Book 2 ng His Secret Girlfriend. Malapit na akong matapos. Konti na lang at ending na. Binasa ko ulit iyon at saka ako napangisi. Ang dami palang drama ng storya na ito katulad ng nangyari sa buhay ko. Kung pwe-pwede lang ay gawin kong tragic na lang ang storya kung saan mamatay si Elle ay gagawin ko para di na siya mahirapan pa kay Kris. Pero sabi nga ng editor ko hangga’t kaya ng happy ending. Gagawa at gagawa ka dapat ng paraan.
Sana katulad din ng totoong buhay ang mga sinusulat ko sa nobela na may paraan para sa isang happy ending. Nagsimula na akong magtipa habang nakikinig sa kanta.
Say something, I'm giving up on you
I'm sorry that I couldn't get to you
Anywhere I would've followed you
Say something, I'm giving up on youKanina ko pa iniisip kung ano ba dapat ang magiging ending ng storya nila Elle at Kris. Siguro kung ako lang ang gagawa ng sarili naming storya ni TOP ay gusto ko ay Happy ending iyon. Walang Jessy, Walang JV. Wala kaming pareho na masasaktan pero hindi ganon eh. Hindi isang storya ang buhay namin ni TOP. Di ko na dapat siya iniisip pa pero yong utak ang kusang gumagawa noon.
Pinagkatitigan ko ang tinitipa ko ang ending. Ang ending kung saan magtatapos ang lahat. Lahat ng sakit, ng hirap at ang matitira lang ay masaya at magandang pagtatapos. Napangiti ako sa aking naiisip.
Sana katulad ng ending ng storyang ito ay ganon ang maging ending. Happy ending. Kung di man si TOP ay sana maging happy ending parin.

BINABASA MO ANG
HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)
RomanceBOOK 2 OF HIS SECRET GIRLFRIEND (FIN) Story written by Leafika Jaey © 2014