SPECIAL CHAPTER 2.2
Hinawakan ni TOP ang kamay ko. Sumakay na kami sa Metrotrain papuntang Dubai Mall. First day naming ngayon kaya gagala kami. Hapon na kami lumabas ng hotel dahil matindi ang sikat ng araw. Summer kasi rito sa Dubai ngayon.
"Ang ganda ng mga building, TOP" saad ko habang nakatayo kami at nakahawak sya sa may baywang ko para di ako matumba kahit na nakahawak ako sa may handle.
"Yeah. They're good at this. Look at that" saad nya sabay turo sa may pinakamalaking building.
"Burj Khalifa" bulaslas ko. Hanggang ditto ay kita ko na nag ituktok ng Burj Khalifa.
"Ang taas" saad ko.
"Makikita natin yan mamaya." Saad nya.
Ngumiti ako sakanya at saka hinintay na huminto ang tren sa Dubai Mall station.
Nilakad naming mula Train station hanggang Dubai Mall. Buti na lang may Walkalator pero kahit na ba! Nakakapagod paring maglakad.
"Hey, you're okay, Yeobo?" tanong nya.
Nakasabit na ang dslr sa kanyang leeg. Naka-shades din sya. Yong suot nyang itim na t-shirt at jeans. Simple lang pero gwapong-gwapo parin.
"Yup" saad ko kahit medyo haggard na ako.
Itinapat nya ang camera sa kanyang mata at kumuha ng litrato sa labas ng bintana ng dinaraanan namin. Puro building sa labas.
Nakangiti ako habang nakatingin sa labas. Ibang-Iba ito sa Pilipinas. Malinis at maaliwalas ang lugar na ito.
Pwede ka nga raw gumala rito ng gabi ng walang pangabang mananakawan ka dahil secured ka sa bansang ito.
Naglakad kami sa malawak na Dubai Mall. At pag sinabi kong malawak ay malawak talaga dahil ito ang pinakamalaking mall sa buong mundo.
Naglakad kami ni TOP at napunta kami sa Aquarium. Aquarium sa isang Mall? Diba nakakatuwa.
Ang daming turista ang kumukuha ng larawan. Mostly mga Indian.
Hinawakan ni TOP ang kamay ko. "Let's eat?" tanong nya.
Tumango ako. Meydo gutom na ako. 5 pm na pala. Nalibot na naming ang mall. Pero feeling ko kulang parin ang isang araw para malibot mo itong lahat.
Nagtungo kami sa may food court ng Mall.
"May Jolibee" parang batang turo ko kay TOP.
Kaso ang daming nakapila. Ito kasi ang unang Jolibee rito sa Dubai kaya pinipilahan talaga.
"Ang daming pila" saad ko.
Hinawakan nya ang kamay ko at saka hinila sa may restaurant doon. HATAM ang nakalagay na name.
"Dito tayo?" tanong ko sakanya.
"Yup. They prepare classic Arabian food here. Pero alam kong ayaw mo yon. Pero may masarap naman silang pagkain ditto" saad nya.
Iginaya kami ng Pilipinong waiter sa uupuan naming at binigyan kami ng menu.
"Wala silang karne?"
"Chicken, beef and sheep" saad nya.
"Tupa?" bulaslas ko ng ituro nya sakin yong tupa na nasa menu.
"What do you want?"
"Ikaw na lang pumili" saad ko sakanya.
Dumating ang waiter at si TOP ang pumili ng pagkain naming dalawa.
Okay naman ang Tupa pero di parin talaga sanay ang dila ko sa pagkain nila rito.
BINABASA MO ANG
HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)
Любовные романыBOOK 2 OF HIS SECRET GIRLFRIEND (FIN) Story written by Leafika Jaey © 2014