CHAPTER THIRTY SIX
Halos di ako makahinga habang nakikita ko sa mismong harapan ko na hinalikan ng babaeng yon si TOP. I am so shocked. Kung di lang ako siniko ni Green ay baka di pa ako matatauhan. Who is this girl? Na basta-basta na lang hinalikan si TOP?
“OMG!” Green gasped.
Halos lahat ay ganun ang reaksyon matapos ang halikan nila ni TOP. Okay lang sana kung nakarolyo ang camera pero hindi eh.
“I miss you, TOP shi!” sabi ng babae na mukhang half Korean at Half American saka niyakap ng mahigpit si TOP.
“W-what are you doing here?” tanong ni TOP sakanya.
Nag-smile naman ang babae saka nagkorean. Di ko alam ang sinabi niya dahil masyadong mabilis eh.
“Jessy” tawag ni TOP rito.
So Jessy is her name.
“TOP” tawag ni Direk saka lumapit sa kanila. Nakita ko ang pagkawit ng kamay ni Jessy sa bewang ni TOP. There is something about her sweetness with TOP.
“Who’s this beautiful lady beside you?” tanong nito.
Nag-smile ang babae saka. “Hi,I’m Jessy” sabi ng babaeng tinawag ni TOP na Jessy at saka nag-bow sa harap ni Direk. She’s beautiful. Saka yong boses niya ay sobrang hinhin.
“Nice to meet you, Ms. Jessy. You’re the girlfriend of TOP?” tanong nito.
Kumibot ang mapulang labi ni Jessy saka tumingin kay TOP. KInakabahan ako sa sagot ng babaeng to pero di ko pinakita yon. “Nope, I’m not his girlfriend” sagot niya.
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Pero sa sumunod ay parang nagkandapira-piraso na ang puso ko. “Coz, I’m his wife” she smiled sheepishly. Pero makikita mo ang kinang sa mga mata niya habang sinasabi yon.
Lahat ng staff na naroon pati na is Direk at sina Green at Haiti ay napanganga at napasinghap sa narinig.
Jessy is TOP’s wife?! No! It can’t be? Pero wala syang sinabi na….
Umiling ako at saka naisip na 5 years nga pala syang nawala and now he’s here pero may asawa na pala siya. All along. All along na magkasama kami ay may sabit na pala siya?!
“Carms, san ka pupunta?” tanong sakin ni Haiti.
Agad akong umalis doon parang naninikip yong dibdib ko sa daming tanong sa isip ko. Pano siya kinasal? Bakit di niya sinabi? Niloloko lang ba niya ako? D@mn it!. I wanna curse myself right now. Ang sakit ng puso ko.
Nagtungo ako sa may CR na naroon. Wala masyadong tao kaya nagtungo ako sa isang cubicle. At umiyak doon. Pakiramdam ko ay niloko ako ng buong mundo. I trust TOP. I gave him a chance. And now, All along niloloko lang pala niya ako. He has a wife?!
Pinunasan ko yong mga mata ko at lumabas sa cubicle para mag-ayos ng sarili ko ng makita na di lang pala ako ang naroon. That girl named Jessy is there fixing her make-up.
She smiled at me. Di ko siya nakitaan ng ibang aura aside from being too friendly.
“Hi” bati niya.
Hindi ako makasagot. I just smiled though I wanted to cry. Kinagat ko ng mariin ang labi ko saka ako lumapit sa may sink at saka naghugas ng kamay. Nilabas ko rin ang panyo ko at pinunasan ang mukha ko para di makita na umiyak ako kanina.
BINABASA MO ANG
HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)
RomansaBOOK 2 OF HIS SECRET GIRLFRIEND (FIN) Story written by Leafika Jaey © 2014