CHAPTER THIRTY FIVE
JV
“Ano bang nasa isip mo Jasper?” tanong agad sakin ni Ate Jo ng makapasok kami sa may office niya.
“Ate, I love her. I can’t let her go k-kahit na andyan si TOP” sabi ko sakanya.
Kahit nasasaktan ako dahil sakanya I still want to be with her. D@mn I know I’m crazy. Gusto ko syang makasama kahit na pagmamay-ari na siya ng iba. Even if she will just treat me like her friend. Kahit kaibigan lang ay ayos na sakin.
“Jasper sinabi ko na sayo na nakakasama siya sayo diba? Let her go. Let your feelings go. Stay away from her” sabi niya.
Kahit na anong gawin ni Ate Jo ay hindi ako aalis sa tabi ni Carmela. Kahit na siya pa ang humingi non sakin. I will not give up on her.
“I can’t”
“God, Jasper! Makinig ka naman sakin. Just for once. I don’t want you to get hurt. Masasaktan ka na naman sa ginagawa mo eh. Pinalalala mo lang ang sakit na nararamdaman mo. Accept it. Accept the fact that she’ll never love you”
Tumigas ang anyo ko sa sinabi ni Ate Jo. “I know and I already accept. I just want to be with her”
“Being with her will cause too much heartache for you, Jasper. Alam mo yan. I’ll tolerate you this time pero sa susunod I won’t, Jasper” sabi niya saka ako iniwan sa may office.
Napaupo ako sa may sofa at ginulo ang buhok ko. D@mn it. I will sacrifice everything just to be with her.
CARMELA
Bumalik na si JV. Nakahanda na ang order naming dalawa.
“Sorry natagalan ako” sabi niya.
I just smiled at him. “Kain na tayo” pag-aya ko sakanya.
Naupo na siya at saka kami tahimik na kumain. Still hanggang dito ay may pader parin na gumigitna sa aming dalawa.
“Carms”
Nag-angat ako ng tingin sakanya. “Bakit?”
“Are you free this Saturday?” tanong niya.
Inisip ko muna kung may gagawin ba ako this Saturday. At yon ay ang puntahan si TOP sa shooting nito. Busy na kasi si TOP kaya hanggang tawagan o text lang kami eh at saka gusto ko syang makita kaya ako ang pupunta sa shooting nila this Saturday.
“Ahm. May pupuntahan kasi ako, JV” sabi ko habang pinaglalaruan ang tinidor na hawak ko.
Napaangat ako ng tingin sakanya. I saw his smile faded. Kinagat ko ng mariin ang labi ko at nag-iwas ng tingin.
“Is it because of TOP?” tanong niya.
Hindi ako makasagot. Sa tuwing si TOP ang topic namin ay natatakot akong sagutin siya ukol doon kasi alam ko na masasaktan ko siya.
“Just this Saturday, Carms. Kahit sa araw lang na yon” saad niya.
Napatingin ako sa kanya na punong-puno ng pagmamakaawa ang mukha. Kahit gustuhin ko mang magpunta kay TOP para makasama at makita siya ay may parte ng pagkatao ko na kelangan ako ngayon ni JV. I feel guilty for what happen. At ngayon ay gusto kong makabawi sa lahat ng pananakit ko sakanya. I hope TOP would understand me.
Tumango ako. “O-okay. Staurday then” saad ko.
I saw him smile then held my hand. Kahit na hawak ko pa ang tinidor ay hinawakan niya parin ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)
RomanceBOOK 2 OF HIS SECRET GIRLFRIEND (FIN) Story written by Leafika Jaey © 2014