-25-

479 12 3
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE

“Tapos na ang meeting nyo diba? Lets go, Carms” sabi ni JV at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako.

“JV?”

“We’re going home” matigas na sabi niya at pinapasok na niya ako sasakyan niya at pinaharurot iyon paalis. Kita ko mula rito na galit siya. Nakatiim bagang siya habang nagmamaneho. Buti at tapos na kami ni Direk at ng Head writer pag-usapan ang tungkol sa pagbago ng setting at ng script.

“JV” tawag ko sakanya pero di niya ako pinansin. Patuloy parin sa pagdugo ang pumutok nyang labi. Agad kong kinuha ang panyo mula sa bulsa ko at pinunasan iyon. Bakit ba sila nag-away ni TOP?

Napaigtad syang punasan ko iyon. “Ano bang nangyari?” tanong ko at binawi ang kamay ko sa pagpunas.

Tinignan lang niya ako ng masama at di na sumagot. Galit parin siya.  Tumahimik na ako siguro ayaw niya munang kulitin ko siya tungkol sa nangyari.

Nakita ko na lang ang sasakyan na pinark niya sa garahe ng bahay nila. Nakita ko na bumaba siya at saka pumasok sa loob. Pumasok na rin ako at natagpuan siya roon na nakaupo sa couch.

“Anong nangyari sa inyo, Sir?” tanong ng isang kasambahay ni JV.

“Ahm. pakikuha na lang po kami ng first aid kit” sabi ko sakanya at agaran naman syang umalis para kumuha ng first aid kit.

Tinabihan ko si JV. Nakapikit siya at yong isang kamay niya ay hinihilot ang noo niya.

“JV, ano ba kasing nangyari?” tanong ko sakanya.

Tumingin siya sakin. “I’m just protecting you from him. Carms, don’t get near him again” sabi niya sakin.

Mababanaag ko ang galit sa mga mata niya. Galit siya kay TOP. Kinagat ko ng mariin ang labi ko. Ayokong nakikita ng ganito si JV. Nasasaktan ako kapag ganito siya. Nadamay ko pa tuloy yong friendship nila ni TOP.

Magsasalita sana ako ng dumating yong katulong at nilapag ang medical kit sa mesa kaya nag-thank you ako bago siya umalis.

Kumuha ako ng bulak at nilagyan ng alcohol. “gagamutin natin yang sugat mo, JV” sabi ko sakanya.

Tahimik lang siya habang ginagamot ko siya. Kanina pa ako di mapakali kasi nakatingin siya sakin.  Nang matapos ang paggamot ay aalisin ko na sana ang kamay ko sakanya ng hawakan niya iyon.

“I know you still love him, Carms. Pero sana isipin mo rin na hindi ka na niya mahal. You should move on” sabi niya.

Mahinang tumango ako. “Alam ko yon, JV. Alam ko na di na niya ako mahal at tatanggapin ko iyon” pilit akong ngumiti sakanya para sabihin okay na ako kahit ang totoo ay hindi.

“Sorry kasi nasira ko ang friendship nyong dalawa ni TOP” sabi ko sakanya at yumuko.

“No. No. hindi mo sinira. He hurt you. Kaya bagay lang sakanya ang masaktan. D@mn him for hurting you.” Sabi ni JV.

Napaangat ako ng tingin. Masama ang tingin niya.  “JV”

Tumayo siya at saka “Ihahatid na kita pauwi” malamig nyang sabi.

“Hindi na. Magta-taxi na lang ako. Di ka pa okay oh”

“Carms, let me protect you this time. Let me” sabi niya at inabot ang kamay niya sakin.

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon