-45-

544 15 1
                                    

CHAPTER FORTY FIVE

CARMELA

Nagpunta ako rito sa may Publishing House para sabihin mismo ng personal kay Boss na aalis ako. Kelangan ko syempreng ipaalam ang mga whereabouts ako lalo na at titira ako sa probinsya for the mean time.

Nakausap ko si Boss at mabuti naman at okay lang sakanila na through e-mail ko na lang ipasa ang mga manuscript ko at nagpaalam ako na di makaka-attend sa mga future book signings.

Paglabas ko ng Pub. House ay nakita ko sina Green at Haiti na kalalabas lang din at mukhang pauwi na.

“Carms” sabay nilang sabi saka agad silang yumakap sakin. Ito ang isa sa mamimiss ko sa kanila ang Kakulitan nilang dalawa.

“Anong meron? Pinatawag ka ni Boss?” tanong ni Green sakin.

Umiling ako. “May pinaalam lang ako kay Boss. Kayo ba?”

“Ayun may kinuha lang. Anyway tara kain tayo sa labas” saad ni Haiti na sinang-ayunan ni Green.

Sabay-sabay na kaming nagtungo sa malapit na Mall at saka kumain sa may Greenwich.

Habang kumakain kami. “Ahm. May sasabihin pala ako” saad ko.

Napahinto sila sa pagkagat ng pizza ng marinig ang sinabi ko.

“Aalis pala ako” saad ko sakanila.

“Aalis ka? Where ka pupunta? Sa Boracay, Baguio, Tagatay???” tanong sakin ni Green.

“Sama kami. Dali na” saad naman ni Haiti.

Umiling ako. “Uuwi ako ng Pangasinan”

Nagulat silang dalawa. “Ha? Bakit? Akala ko naman kung saan. Sasama sana kami. Treat mo sana kami” saad ni Green.

“Uuwi ako sa Pangasinan. Doon na ako magwo-work. Actually I’ll stay there for 2 or 3 years?”

“Ano?!” sabay na sigaw ng dalawa.

Pinagtinginan tuloy kami ng mga nasa kabilang table. Ang ingay kasi gn dalawang baliw na ito eh.

“Bakit?” tanong agad ni Green.

“Kelangan ko kasing hanapin yong sarili ko. Feeling ko nawala ko yong sarili ko” saad ko saka napayuko.

“Anong sinasabi mo, Carms? Dahil ba sa hiwalayan nyo ni JV?”tanong naman ni Haiti.

“Hindi.Actually, Green, Haiti. Hindi naman talaga kaming naging magkasintahan ni JV” saad ko.

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nila Green.

“Hindi naging kayo? Ha? Hindi ko gets. PAnong?” sabi ni Green na halatang hilong-hilo sa pinagsasabi ko.

Dahil doon ay ikinwento ko lahat sa kanila mula noong naging kami ni TOP nong college. Simula palang college nagsinungaling na ako saknaila. Pakiramdam ko ay naguilty ako sa sinabi ni Haiti.

“Alam mo Carms, nakakasagkit ka ng damdamin. Ang daya mo. Bakit di mo man lang sinabi na matagal na pala kayo ni TOP? Nong college pa pala. Feeling ko di mo kami kaibigan ni Green” saad niya.

“Sorry. Ayaw kong sabihin kasi natatakot ako saka sikreto langa ng relasyon namin ni TOP noon”

“So siya ba ang dahilan bakit aalis ka? Dahil ba sa may asawa na siya?” tanong naman ni Green.

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon