SPECIAL CHAPTER 3.1

487 9 0
                                    

SPECIAL CHATER 3.1

¬Ang dami naming nilibot ni TOP ditto sa Dubai. Nagpunta kami ng Dessert Safari kung saan nakakita ako ng camel in person. Di lang actually nakita. Sumakay pa kami ni TOP. It was fun and remembering experience. Sobrang nag-enjoy ako lalo na dahil kasama ko si TOP. Si TOP na walang ibang ginawa kundi ang tuksuhin ako.

"Wala pa bang laman yan?" tanong nya.

Nakaupo ako rito sa may gilid ng kama habang abala sa pagtingin ng pictures naming ni TOP na nasa tablet ko na.

Napalingon ako sakanya. Naramdaman ko kasi ang hininga nya kaya alam kong malapit lang sya sakin.

Kumunot noo ko sa tanong nya kani-kanina. "Ang alin?"

Umusod sya sakin. Naramdaman ko ang kamay nya sa may tiyan ko. "Here" saad nya.

Natawa naman ako. Sobrang atat naman nitong lalaking ito.

"TOP. Agad-agad?" sabi ko sabay tawa.

Nakita ko ang pagsimangot nya.

"Fine. Kung wala pa edi gawan na natin para magkaroon na" saad nya saka ako hinila pailalim nya.

Sa halip na tumutol ay natawa na lamang ako sa kakulitan ng asawa ko.

***

"Gusto ko ng ice cream" sabi ko sabay turo sa Cold Stone habang nasa may Mall of emirates kami. Nagutom kasi ako sa SKI dubai kanina.

"Okay" saad nya saka kami naupo sa may upuan doon. Sya ang nag-order ng ice cream.

Natuwa ako doon habang ginagawa yong Ice cream dahil may patapon tapon pa kasi. Nakakatuwa nga eh.

Agad akong tumingin sa may harapan kong nagdadaan. Malapit na kaming umuwi ng Pilipinas. Mamimiss ko ang Dubai. Syempre ang mga masasayang ginawa naming ni TOP ditto.

Nakakita ako ng isang buntis na naglalakad. Di naman ganun kalakihan ang tyan pero halatang buntis sya habang inaalalayan sya ng asawa nya. Nakakatuwang isipin dahil one day magiging ganon din kami ni TOP.

"What are you thinking?" narinig kong tanong ni TOP habang inaabot sakin ang isang ice cream na nasa cup. Naupo sya sa may tapat ko.

"Wala naman. Mamimiss ko lang ang Dubai kapag nakauwi na tayo ng Pilipinas"

"Then di muna tayo uuwi kung ayaw mo pa."

"Hindi naman sa ganon. Ano kaba TOP. Hindi pwedeng magtagal tayo ditto. Namimiss ko na rin naman sina Mama at Papa." Saad ko.

Hinawakan nya ang kamay na nasa ibabaw ng mesa. "Hey, don't worry. Babalik tayo rito" saad nya.

Tumango ako saka kinain na nag ice cream ko.

***

Nakauwi na kami ni TOP sa Pilipinas. At heto nga andito na kami sa Bahay na pinagawa nya sa aming dalawa. Kaya naman pala ilang buwan kami roon ay dahil inaayos pa ang interior ng bahay. Malaki ang bahay na yon. May malawak na garden at saka swimming pool. Dalawang kwarto sa ibaba. At Limang kwarto sa itaas kasama na ang master's bedroom.

"Do you like it?" tanong nya habang ang kamay ay nasa bewang ko at nakatingin kami sa may malaking bahay naming.

"Oo naman. Ang ganda kaya" saad ko.

"This is our home, Yoebo." Saad nya.

"Dito tayo bubuo ng Masaya at kumpletong pamilya"

"Thank you again for giving me second chance, Yeobo" saad nya.

Napatingin ako sakanya. "You deserve it, TOP. Mahal kita eh. Kahit ilang chance kaya kong ibigay para sayu"

He smiled at me. The smile that I always want to see.

***

Simula ng makauwi kami ni TOP ay nakakaramdam ako ng pagkahilo at pagsusuka. Akala ko nung una ay dahil stress o dahil naninibago ako ngunit hindi pala dahil nong nagpacheck up ako ay isang Masayang anunsyo ang sinabi ng Doktora. I am 8 weeks pregnant.

2 days ago pa yon pero di ko parin nasasabi kay TOP dahil abala sya sa trabaho. Gusto ko ay memorable ang pagsasabi ko nun sakanya.

"TOP kahit ano naming gift mo kay Mama magugustuhan non" saad ko sakanya habang nasa may Mall kami at naghahanap sya ng maaring iregalo kay Mama sa birthday nito sa Sabado.

"Yeobo, I just want to give your mom a special gift because she deserves it for having you and taking care of you for me" saad nya.

Yan ang nagustuhan k okay TOP. Lahat ng taong mahal ko ay pinahahalagahan nya. Hinawakan ko ang kamay nya. Alam ko magiging mabuti syang ama para sa magiging baby naming dalawa.

Nang magpunta kami ng baby's section ay may nakita akong cute na medyas. Hinawakan ko yon. Nakita kong lumapit si TOP sakin.

"what's that, Yeobo?" tanong nya.

Pinakita ko ang baby socks. "Ang cute diba. MMM. TOP"

Agad umangat ang tingin nya sakin. "Yes, Yeobo"

"Pag magkakababy tayo. A-anong gusto mo?" tanong ko.

He smiled at me. "Anything. Basta mamahalin ko sya kahit ano pa sya." Saad nya.

Ngumiti ako. "What if I told you I'm pregnant?" tanong ko sakanya.

Kumunot ang noo nya. "Why are you asking me? A-are you pregnant?" tanong nya.

Buko na ako. Hindi ko na siguro kelangan pang hintayin ang special moment para sabihin sakanya. I can feel his excitement while waiting for my answer.

Tumango ako.

"Really?" tanong nya.

"OO nga. 8 weeks na" saad ko.

His reaction is priceless. He hugged me and I can see his teary eyes now.

"God. Thank you" he murmured.

"Thank you, Yeobo. I love you so much" he said and kiss me on my forehead.

Wala kaming pakialam sa mga taong nakikinood sa amin. Masaya kami dahil mabubuo na rin sa wakas ang pamilyang hinahangad ni TOP.

Nilapat nya ang kamay nya sa may tiyan ko. "Be still, my child. Daddy is here. He will never leave you. I will never leave you" he said while looking at me.

Ngumiti ako. "I love you, TOP" I said.

***

"Happy birthday Ma" bati ko kay Mama ng makarating na kami sa bahay.

Wala pa kaming sinasabihan ni TOP tungkol sa pagbubuntis ko. Lahat ay narito sina Green at Haiti. Ang Mama ni TOP. Pati si Ate Jo at ang asawa nya. Si JV at ang ibang members ng BB. Pati na si Delaney.

"Thank you. Ang daming bisita." Saad nya.

"Okay lang yan, Ma. Minsan lang po yan. Birthday nyo naman po" saad ko.

Ngumiti naman si Mama.

Kumain na rin kami ng lunch. Si TOP sa gitna ng pagkain ay tumayo at may hawak na wine glass.

"Happy birthday Ma" sabi ni TOP.

"Thank you" mama uttered.

"You are all here not only for Mama's birthday but for an important announcement" saad ni TOP.

Nakita ko ang iba't-ibang reaksyon ng mga kasama namin sa hapagkainan.

"Carmela is pregnant with my child" saad ni TOP.

Lahat sila ay napatingin sakin at kinukumpirma iyon. Tumango naman ako.

Si Mama ay naiiyak na dumalo sakin. Natutuwa sya na magkakaroon na raw sila ng apo.

Sila Haiti, Green at Delaney ay nag-uunahang maging ninang ng anak ko.

Natutuwa ako dahil mas excited pa sila kesa sakin.

Nilapitan ko si TOP.

"Mas excited pa sila kesa sa buntis" saad nya.

"Yup. At ikaw nga mas excited dyan eh"

"Can't wait to see your baby bump" saad nya.

Ngumti ako at saka niyakap sya...



HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon