-48-

526 17 2
                                    

CHAPTER FORTY EIGHT

“JV” tawag sakanya ng babaeng nakatayo sa may likuran niya. Agad naman syang napatingin doon.

“Babe” saad niya at saka ng makalapit ang babae ay hinawakan niya ito sa bewang. Nakangiti ang babae na tumingin sakin.

Hindi ko alam kung ngingiti ako. Pakiramdam ko ang daming nangyari sa dalawang taon kong pagkawala.

“By the way, Carmela, this is Eve my girlfriend. Babe. This is Carms, my friend” saad ni JV.

Nakipag-kamay sakin yong girlfriend ni JV. She seems friendly. Ngumiti pa siya sakin. Inabot ko naman ang kamay niya.

“Nice to meet you” saad niya.

Ngumiti lang ako sakanya.

“Ako na ang magdadala nyan. Mauuna na ako, Babe” saad ni Eve kay JV.

Ngumiti naman si JV saka iniwan na kami roon ng girlfriend niya.

“You got a girlfriend” saad ko.

Ngumiti lang siya sakin.

“Nga pala why are you here?” tanong ko sakanya. Sinabayan niya akong maglakad.

“Nanganak si Ate Jo yesterday kaya andito kami para bantayan siya at saka yong baby. Anyway you want to see her baby?” napalingon siya sakin.

Tumango ako saka niya ako iginaya sa may nursery room na sa mismong floor din na iyon.

Mula sa bintana ay sinilip lang namin ang mga babies na naroon. Itinuro niya sakin yong baby girl na nasa may bandang kaliwa.

“Her name is Shaniah Nicole” saad nito.

Namamangha ako habang nakatingin sa baby ni Ate Jo. Napangiti ako dahil matagal ng gustong magka-anak ni Ate Jo and now mayroon na nga siya.

“She’s pretty” saad ko sakanya.

Nakatingin parin ako sa baby. Dati pangarap kong magkaroon din ng ganyang ka-cute na baby. Magkaroon ng sariling pamilya. Pero ngayon parang ang hirap pala. Akala ko dati kapag nahanap mo na yong taong mamahalin mo at magmamahal sayo ay okay na may happy ever after na agad. kaso hindi pala ganoon kadali ang lahat. Mahirap. Mahirap dahil kahit anong gawin mo may hadlang parin.

“How are you now, Carms?” tanong ni JV sakin.

Napalingon ako sakanya. Nakatingin siya sakin kaya ngumiti ako kahit ang totoo ang bigat-bigat ng dibdib ko dahil sa nangyari kay Papa.

“I-I’m fine” saad ko saka tumingin ulit sa mga baby na naroon. Tama nga sila nakakawala ng bigat ng damdamin ang mga baby.

“Where have you been?” tanong nito.

Agad akong nanigas sa kinatatayuan ko. Alam nyang umalis ako?

“A-alam mong umalis ako?” tanong ko sakanya na hindi lumilingon sakanya.

“TOP’s looking for you”

Pagkarinig lang ng pangalan ni TOP ay may malakas na kabog ang naramdaman ko. Kahit kelan pala di parin nagbabago ang epekto sakin ni TOP.

“Ang ganda ng baby Ate JO noh” saad ko.

Ayaw ko ng pag-usapan pa si TOP. Hindi dahil ayaw ko na sakanya kundi dahil natatakot ako sa malalaman ko. Siguro ngayon nagkaroon na ako ng phobia na malaman ang lahat tungkol kay TOP.

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon