-42-

488 15 3
                                    

CHAPTER FORTY TWO

Kinausap ni Mama si Papa pero galit parin siya sakin dahil sa ginawa kong pagsisinungaling. Alam ko naman yon eh. Pero di ko parin mapigilan ang sarili ko na sisihin dahil sa nangyari. Hindi ako kinakausap ni Papa samantalang si Mama ay civil lang naman. Ganun ang nangyari sa araw-araw. Hindi na rin ako nagpapakita kay JV dahil magulo parin ang isip ko. Sinabi sakin ni Direk na last shooting na nila this Saturday kung gusto ko raw ay manood ako at magkakaroon ng party after shooting. Kung di lang ako inungot nina Green at Haiti ay di talaga ako pupunta.

“Grabe! Nararamdaman ko ng magiging hit ang movie na ‘to” sabi ni Green habang nakatanaw sa last scene ng storya.

Nakatayo kami habang siya ay kumukuha ng larawan. Ilalagay niya raw sa IG niya.

“Di ba pupunta si TOP mamaya sa after party?” tanong naman ni Haiti.

Nang magpunta kami roon ay wala si TOP dahil tapos na raw ang mga scenes nito tanging kay Carty at sa ibang artista ang natitira. Di ko napanood yong scene ng ending dahil nga naroon ako kay JV at inaalagaan ko siya.

“Hindi ko alam” sagot ko.

Di ko alam kung paano ko siya haharapin mamaya. Siguro naman ay natauhan na siya sa lahat ng sinabi ko sa Hospital.

Napatingin kami sa sumigaw ng ‘Wrap’. Lahat sila ay nagpalakpakan dahil tapos na nga ang scene.  Natutuwang nakipag-picture sina Green at Haiti kay Carty.

Maya-maya ay sinabi ni Direk na sa isang hotel gaganapin ang after party. Alas-syete ng gabi. Alas-kwarto pa lang kaya naman may time pa akong umuwi. Sasama sakin mamaya sina Green at Haiti.

Nagsuot ako ng kulay yellow na halter dress na pinatungan ko ng itim na blazer at saka wedge heels. Minake-up-an ako ni Green kahit ayaw ko dahil sabi niya magiging katulong lang daw ako kung ihahambing sa mga artista na na naroon sa party.

Sabay na kaming tatlo na nagtungo sa Party ng hotel. Pinapasok kami agad ng makita kami ng isang production staff. Pinapunta kami sa may venue ng hotel. May upuan at saka mga tao na naroon. Magaganda ang mga damit nila lalo na si Carty na syang starring sa gabing iyon.

May reserve seat kami nila Haiti at Green kaya naman tuwang-tuwa sila at nasa harapan sila.

“Asan kaya si TOP?” tanong ni Green na halos mapatid na ang ugat sa leeg kakatanaw sa paligid para hanapin si TOP.

Naramdaman ko ang pagsinghap ng katabi kong si Haiti.

“Shit. Ang gwapo ni TOP” saad niya kaya naman napatingin ako sa direksyon ng entrance kung saan papasok si TOP at ang asawa niya na si Jessy. Napakaganda ni Jessy kung ikukumpara sa suot ko ngayon, walang-wala iyon.

“Buti naman at okay na siya sa nangyaring minor accident sakanya” sabi ni Green.

Napatitig ako sa mukha ni TOP na ngumingiti sa press habang naka-abrisete naman ang asawa niya. Wala na dapat akong maramdamang bitterness ngayon dahil pinalayo ko na ang nararamdaman ko para kay TOP. Malaya na syang magmahal ng iba bukod sakin. Masaya sana siya ngayon kay Jessy. Sa asawa niya.

Naupo sila sa upuang nakalaan sa kanila at nagsimula na ang program. Hindi natuon sa program ang isip ko kundi kay TOP na palihim na tumitingin sa direksyon. Hindi na ako tumitingin sakanya pero ramdam ko ang titig niya sakin.

Maya-maya ay nagpaalaam akong mag-CR. Matapos kong mag-CR ay nagpunta ako ng sink at saka inayos ang buhok kong malayang nakalugay. Nang may pumasok doon. Narinig ko ang lagatak ng pumps ng babaeng papunta sa direksyon ko.

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon