-14-

464 10 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN

Nasa backseat kaming dalawa ni JV. Asa daan na kami patungong Malasiqui kung saan gaganapin ang birthday celebration ng inaanak slash pinsan ko na si Ced. Na-a-amaze si JV habang nakatingin sa labas ng bintana. Puro mga fish pond ang nakikita niya sa may Bayan namin at saka nong nadaan na kami sa mga palayan ay na-amaze ulit siya. Nagkwentuhan sila ni Papa na nagda-drive naman ng sasakyan. Ang dami nilang kwento sa isa’t-isa samantalang kami ni Mama ay tahimik lang.

Maya-maya ay huminto ang sasakyan ni Papa sa may tabi ng malaking gate ng farm house nila Aunte Dada. Lumabas kami ng sasakyan. Naka-blouse ako na stripe at saka pants at doll shoes samantalang ang katabi kong si JV ay simpleng V-neck shirt na kulay gray at saka jeans at rubber shoes. Naka-aviators siya at bull cap. Agad kaming nakita ni Uncle Arman na syang asawa ni Auntie Dada. Agad niya kaming iginaya papasok sa loob kung saan naroon ang venue ng birthday. Madami-dami na ang mga tao roon. Puro mga kamag-anak ni Uncle dahil taga rito sila.

Nakita ko ang mga pinsan ko at mga Auntie ko na narito rin pala. Hindi ko alam na lumuwas din pala sila. Agad kong hinila si JV sa mesa nila. Nakita ko ang mga mata nila kay JV. Halos lahat ay napapatingin talaga sa lalaking kasama ko. Hindi man nila makita yong mukha ni JV ay alam ko na naiintriga sila dahil sa tangkad niya at sa built ng pangangatawan niya. Syempre minsan lang sila makakita ng gwapo katulad niya eh.

“Mano po, La” sabi ko kay Lola at inabot ang kamay niya para mag-mano.

Napatingin naman sila Auntie sakin.

“Sino naman yang kasama mo?” tanong ni Auntie Len.

“SiJasper boyfriend ni Camille” sabi ni Papa na nasa likod na pala namin.

Sasabihin ko sana na kaibigan ko lang kaso inunahan ako ni Papa. Oo nga pala ang alam nila ay kami pa rin ni JV.

Nakangiti si JV na nagmano sa Lola ko at saka isa-isang binata ang mga Auntie at pinsan ko.

“Ate Cam ang gwapo naman ng boyfriend mo” sabi ni Steffy na pinsan ko.

Natawa lang si JV nang magkatabi kaming naupo roon. Agad kong tinanong si Uncle Arman.

“Uncle si Aunte Dada at si Ced po?” tanong ko.

“Nasa loob. Binibihisan lang si Ced.” Sabi ni Uncle saka nagpaalam para istimahin yong mga ibang bisita.

Napatingin ako kay JV na dinadagsa ng tanong ng mga Auntie at pinsan ko. Nangingiti lang siya habang sumasagot.

“Anong trabaho mo, Jasper?” tanong ni Lola sakanya.

“May restaurant po ako na minamanage  kasama ng Ate ko. Pero minsan ay nag-mo-model ako” nakangiting sabi ni JV.

“Model ka?” nanlalaki ang mga mata na tanong ni Steffy kay JV.

Tumango lang si JV.

“San? Nakikita ba kita sa TV o sa magazine?” tanong niya ulit.

“Oo nakikita mo siya sa TV pero wag kang maingay baka may makakakilala sakanya rito” sabi ko lang.

Hindi naman ganoong ka-probinsya masyado ang probinsya namin dahil marami ang mga naki-ki-in din dito at mahilig manood ng mga palabas sa TV. Paniguradong kilala nila si JV dahil naging myembro ito ng BB dati.

“Oh? Talaga?” kumikinang kinang ang mga mata ni Steffy.

“Parang kilala ko na” sabi naman ni Nikki na kapatid ni Steffy.
“Ikaw ba yong JV sa Boys Beloved? Diba ate Cam siya yong nasa poster na nasa kwarto mo?” tanong ni Nikki sakin.

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon