CHAPTER SEVENTEEN
Nasa may sweet romance pub. Company kami ngayon at inaayusan ng make-up artist na inupahan nila. Anim na writers kami na pupunta ngayon sa may SM North Edsa para sa gaganaping book signing. Kasama ko sina Green at Haiti. Nagtatawanan pa ang ilan habang nagkwe-kwentuhan sa room kung saan kami inaauyusan. Maya-maya ay nagsilabasan na kami para sumakay sa van kung saan kami ihahatid patungong SM North Edsa. Nasa gitna ako nina Green at Haiti. At yong iba naman ay nasa likod namin.
Habang nasa daan kami ay nagpatugtog ng radio sa Manong tamang-tama at sakto sa paboritong kanta nila Green at Haiti.
You know I'd fall apart without you
I don't know how you do what you do
'Cause everything that don't make sense about me
Makes sense when I'm with you
Like everything that's green, girl, I need you
But it's more than one and one makes two
So put aside the math and the logic of it
You gotta know you're wanted tooDahil nasa gitna ako ay halos mahiwalay na ata ang kaluluwa ko mula sa katawan ko sa kakahampas at alog ng dalawa sakin. Nakakalokang kiligin ang dalawang ito… Infairness maganda yong song. Nakakakilig lalo na noong nasa may chorus na at talagang sumabay pa ang dalawang loka-loka.
'Cause I wanna wrap you up
I wanna kiss your lips
I wanna make you feel wanted
I wanna call you mine
Wanna hold your hand forever
And never let you forget it
Yeah I, wanna make you feel wantedNangingiti ako habang nag-du-duet ang dalawa. Yong tatlo namang kasama namin sa likod ay natatawa lang sa sintunadong boses ng dalawa. Umiiling lang ako sa dalawa habang kumakanta sila with feelings. Nang matapos ang kanta ay natahimik na rin kami. Sumandal si Haiti at si Green naman ay pinipilit akong mag-selfie kami dahil huminto ang sasakyan dahil traffic.
Naki-selfie na rin ako. minsan lang kami umaattend ng book signing. Actuall ay pangatlong beses ko lang ata ‘to sa buong durasyon ko bilang writer ng Sweet Romance. Mag-ti-three years na pala akong writer dito eh. Pero Isang book lang ang nai-publish yon ay ang His Secret Girlfriend na magiging movie nga.
Maya-maya ay inihinto na ni Manong ang sasakyan sa may parking lot ng Mall kaya naman bumaba na kaming lahat sa van. Iginaya kami ni Ms. Rossy at Ms. Cath na syang mga editor namin na magtungo sa venue ng book signing. Nagpunta kami sa may 4th floor dahil doon naka-locate yong book store kung saan ang venue namin. Ang dami ng mga tao roon puro mga teenagers na may hawak-hawak na libro naming anim. Nakangiti kami saka pumasok sa loob ng Book store. Inayos ang bookstore na yon para lumuwang at kumasya ang magpapa-sign ng book. May anim na upuan sa harapan at mahabang table kung saan nakalagay ang book namin na nakastand katabi ng pen-name namin.
Ipinakilala muna kami isa-isa bago naupo sa anim na upuan na yon sa harapan ng mga tao na nakaupo roon. May sinabi pa ang host bago ang mismong pag-sign ng book kung saan pipili na sila. Maayos ang pila at bawat isa ay nagpapa-sign ng book. Nakangiti ako habang inaabot at sinusulatan ang libro na binili nila. May mga dedications at mga kung ano pang smiley ang nilagay ko ron. May mga nagbibigay ng gifts sa amin at nagpapapicture pa.
“Hello, Ms. LJ. Grabe susuportahan ko po yong movie ng book nyo” sabi ni Cherry habang inaabot sakin yong book na HSGf. Nakangiti ako habang nag-sa-sign. Nagpa-picture din siya sakin saka naman na sumunod pa ang iba.
“Ms. LJ. Kelan po ba lalabas yong book 2? Gusto na po naming mabasa eh” sabi naman ni Lhiezel habang sinusulat ko ang book niya. Nakangiti ko syang tinignan. “Soon. Hindi ko pa kasi tapos” sabi ko sakanya at ibinalik ang libro. Nagpa-picture siya sakin at saka na umalis din.
Madami pang nag-pasign ng book kaya inabot kami hanggang 5pm dito. Matapos non ay nagpaalam na kami sa mga readers na napunta sa book signing. Malalaki ang ngisi nina Green at Hiaiti habang may bitbit ng mga gifts bigay ng kanilang readers. Katulad ko rin ay may bitbit din ako.

BINABASA MO ANG
HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)
RomanceBOOK 2 OF HIS SECRET GIRLFRIEND (FIN) Story written by Leafika Jaey © 2014