-Ending-

754 17 2
                                    

CHAPTER FIFTY TWO

"Carms, may book signing pala tayo sa SM Manila and guess what kung kelan?"tanong sakin ni Green habang nakatayo kami rito sa may PNR at hinihintay ang tren.

Pupunta kasi kami ng divisoria para mamili daw siya ng regalo sa inaanak niya. Malapit na kasinh mag-1st yon at gusto nyang regaluhan. DI namin kasama si Haiti dahil umuwi siya ng Tagaytay dahil pinauuwi siya ng ama niya.

"Kelan naman?" tanong ko.

"Sa b-day mo" masaya nyang sabi.

Oo nga pala. Sa Saturday  ay birthday ko na pala. Pero ito na siguro ang masasabi kong nakakalungkot kong b-day dahil di ko makikita si TOP dapat nga diba? Sanay na ako dahil 7 yrs ko syang di nakasama sa mga araw na yon. Pero iba parin na alam mong okay na kayo pero heto at hindi naman siya nagpaparamdam sayo.

"Kaya manlilibre ka ha" saad ni Green.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Kahit kelan mahilig sa babaeng ito sa libre.

"Tignan natin. Ano namang oras yan?" tanong ko naman.

Balak ko kasing i-date na lang ang parents ko sa mismong araw ng b-day ko. Kakain kami sa labas. Ilang taon na ba ako? Mmmm. Going 27? Ganun na pala ako katanda ngayon.... At dapat nga sa edad na ganito ay nagpapakasal na eh pero heto parin ako. My status is still complicated as always.

"3pm. At saka nagpagawa pala si Boss ng t-shirt. Txt mo na lang ang size mo sakanila." Saad niya at saka na abala sa pagtetext. Kanina pa siya patingin-tingin sa cellphone niya.

"May bf ka noh" tukso ko sakanya.

Ngumisi lang siya sakin. "Inggit ka noh" sabi niya sabay tawa.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Saka ako napatingin sa tren na palapit na.

***

Lunch na at kumakain kami sa may Jollibee ni Green. Habang kumakain ay sa cellphone siya nakatingin.

"OMG" bulaslas niya kaya naman pati tuloy kalapit naming mesa ay napatingin samin.

"Bakit?"

"Nagtweet si TOP" saad niya sakin.

Halos hilahin ko na ang kanyang cellphone sa pagpupumilit na makita kung totoo yung sinasabi niya. Ang alam ko ay deactivate na ang account niya at di siya ganoong active doon.

"Patingin" saad ko saka niya biinigay sakin ang cellphone niya.

You're my happiness...You're my life... You're my everything...

And I can't wait to be with you... My wife...

My wife??? Si Jessy? N-nagkabalikan na ba sila? Gusto kong umiyak eh kaso ayaw kong pagtawanan ng mga tao rito.

"Carms" tawag ni Green.

Kinagat ko lng ng mariin ang labi ko saka ngumiti sakanya. Hindi ako iiyak.

"Okay ka lang? Sorry akala ko kasi..." saad niya.

Umiling lang ako. "Hayaan mo na, Green. Siguro nagkabalikan na sila ni Jessy" saad ko.

I won't say that I'm happy coz really I am not. Umasa ako eh. Umasa na naman ako. Dapat kasi nakiramdam na ako eh unang palang. Kaya pala di na siya nagpaparamdam dahil yon pala ang dahilan. Dapat una palang alam ko na. Ang tanga-tanga ko na naman.

"Uwi na tayo" saad ko saka na tumayo para umalis.

Ang sakit lang sa damdamin na paulit-ulit ko syang binigyan ng chance pero heto na naman ako. ako na naman ang naghintay at iniwan....

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon