CHAPTER NINETEEN
Nagkaroon kami ng meeting kasama sina Direk at ang head writer at scripwriters. Di pa kasama ang mga gaganap dahil pipiliin muna raw yong mga scenes na maaring ilagay sa movie at yong mga papalitan. Hindi naman kasi lahat ay maisasama sa movie dahil 2 hours lang yon at kelangan na kelangan may idagdag para mas gumanda daw ang movie at kapanapanabik. Tumango-tango lang ako sa mga sinasabi ni Direk at ng mga iba tungkol sa magiging setting ng story. Minsan ay nagtatanong sila sakin kung ano raw ang gusto ko. Minsan nahihiya akong magsabi pero kahit papaano ay medyo nagiging confident na rin akong sabihin yong mga gusto ko dahil ini-encourage naman nila ako.
Matapos ang halos tatlong oras na meeting ay umuwi na rin ako. Inaaya akong maglunch kaso nahihiya na ako eh kaya sinabi ko na lang na may pupuntahan pa ako. May pupuntahan naman talaga ako eh. Pupunta ako ng Mall ngayon para mag-grocery. Naatasan kasi ako ni Mama na mag-grocery ngayon.
Sinabi ni Direk na tatawagan na lang daw ulit ako kapag official story conference na kung saan kasama na ang mga artistang gaganap. Sabi kasi mayroon na raw gaganap kay Elle kay Kris na lang daw ang medyo hindi pa masyadong sure. Di ko pa alam kung sino sila dahil wala silang sinasabi sakin. Baka sa Story conference ko na raw makikilala.
Nasa may SM Manila na ako at nag-go-grocery. Dito ko mas sanay mag-grocery kasi malapit lang ito sa trabaho sa Munisipyo. Pumasok na ako sa may supermarket at kumuha ng cart at nilabas ang listahan na bibilhin ko. Ganyan si Mama mahilig isulat yong groceries na bibilhin para di makalimutan. Nakailang ikot na rin ako. Di naman ganun kadami ang binili dahil dalawang plastic bag lang naman ang nagamit.
Palabas na ako ng Supermarket at chineck na ni Manong guard yong resibo bago ako tuluyang lumabas. Nalakad pa ako para makalabas na sana ng Mall ng mapatingin ako sa Starbucks. Naalala ko tuloy na lagi akong kinukulit ni JV na ilibre ako sa starbucks sa tuwing may sweldo na ako. Napangiti ako sa alaalang iyon. Hanggang ngayon ay walang JV na tumatawag at nagtetext sakin. Ewan ko ba kung busy siya o sadyang nakalimutan na niya ako. Ayoko namang itanong kay Ate Jo kung asan si JV. Ayoko kasi ng mahabang paliwanagan. Ayoko namang magpunta ng condo niya.
Nagpasya akong magtungo sa Starbucks kahit may bitbit akong dalawang plastic bag ng groceries. Buti na lang at may mga bakanteng upuan pa. Naupo ako sa may tabi ng glass window at iniwan doon sa sahig ang groceries at nag-order ako sa counter ng frappe. Agad naman akong bumalik sa upuan ko at hinintay na lang ang order ko. Nang makuha yon ay sinimsim ko yon habang nakatingin sa labas ng glass window. Maraming nag-sisipasukan na mga tao dahil malapit lang sa entrance ng Mall ang Starbucks.
Napalumbaba ako habang tumutugtog yong kanta rito.
Coz someday, someone's gonna love me
The way I wanted you to need me
Someday, someone's gonna take your place
One day, I'll forget about you
You'll see, I won't even miss you
Someday, somedayNakalahati ko na yong ininom kong frappe ng makita na dumaan sa my gilid ko si JV at may kaakbay na babae. Alam ko na si JV yon kahit na naka-ray ban shades ito. Yong babaeng kaakbay niya ay maputi at maganda. Makurba rin ang katawan sa suot nitong floral sleeveless top na see through. At naka-denim shorts na halos kita na ang buong hita nito. Naka-rubber shoes wedge ito na kulay itim. Umakyat sila sa second floor kaya naman di ko na sila nakita pa.
Kung andito pala siya bakit hindi man lang niya ako kinontak man lang? Tama nga siguro ang hinala ko busy siya. Busy siya sa pambabae. Bumuntong hininga na lang ako at saka nagpasya ng umalis sa starbucks. Magta-taxi na lang siguro ako pauwi.
***
Sunday at nakatutok na naman si Mama sa The Buzz. Mahilig kasi syang manood tungkol sa showbiz eh. Nakiupo na lang ako sa single sofa at nakinood na rin. Si Papa naman ay nasa labas ay may inaayos ata.
BINABASA MO ANG
HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)
RomanceBOOK 2 OF HIS SECRET GIRLFRIEND (FIN) Story written by Leafika Jaey © 2014