-13-

476 13 4
                                    

CHAPTER THIRTEEN

Agad akong nasilaw dahil binuksan ng konduktor yong ilaw ng bus. Huminto ang bus sa may Terminal sa may Dagupan.

“Asa may Dagupan na po tayo” sabi ng Konduktor. Nakita ko na tulog si JV at nakasandal siya sa balikat ko. Agad ko syang ginising.

Agad syang nagmulat at saka nagtaka. “Asan na tayo?” tanong niya.

“Asa Dagupan na. Baba na tayo” sabi ko sakanya. Kinuha ko na ang duffel bag ko at siya ay yong bag pack niya. Pagkababa namin ng bus ay kinuha niya ang duffel bag ko habang naglalakad kami patungong kalsada. Tinignan ko ang relo ko. 10pm na pala. Tinext ko si Papa na andito na kami ni JV. Nagreply si Papa na andito na raw sila sa tabi ng terminal. Nagtext kasi si Papa na siya ang susundo sa amin ni JV dahil delikado na raw sa daan pag mag-je-jeep o tricycle kami pauwi. Lalo na at gabi na at wala masyadong dumaraang jeep.

Luminga ako sa paligid at saka ko nakita ang itim na sasakyan ni Papa na naroon at nakapark. Agad kong sinabi kay JV na magpunta kami roon. Andon na nga si papa at hinihintay kami sa loob. Binuksan niya ang pinto saka na nilagay ni JV ang bag namin sa backseat katabi ko saka siya naupo sa passenger’s seat. Andaming kwento ni Papa kay JV pero di ko na pinansin dahil nakatuo ang pansin ko sa labas ng bintana ng sasakyan habang nasa daan kami. Paskong-pasko na rito sa Pangasinan dahil sa mga naglalaking Parol na de-ilaw at mga Christmas lights. Ang daming nagbago. Ilang taon lang akong nawala.

Maya-maya ay nasa bahay na kami. Ang bahay na miss na miss ko ng sobra. Agad akong bumaba at saka kinuha ang bag pero inunahan ako ni JV. Pinasok namin yon sa loob ng bahay. Gising pa si Mama at nakaupo sa sofa ng pumasok kami. Nagmano kami ni JV.

Pinakyat kami ni Mama sa taas. Doon na raw kami matulog ni JV dahil sa babang kwarto na raw sina Mama at Papa matutulog.

Hinatid ko naman sa kwarto nila Mama si JV. Maayos na iyon at nakapunda na ang mga unan at may kubrekama pa. malinis na rin paniguradong naglinis sila pagkarating nila rito noong Myerkules.

“Dito kana matulog, JV” sabi ko sakanya.

“San yong kwarto mo?” tanong niya naman sakin.

Agad kaming nagtungo sa katabing kwarto. Binuksan ko iyon. Walang pinagbago ng ayos. Naroon parin yong nakadikit na mga poster ng BB sa dingding ng kwarto ko. Hindi ko yon nadala sa Maynila dahil mahirap ng alisin at baka pag inalis ko pa ay masira lang.

“Nice room” sabi niya ng binaba ang duffel bag ko at nakatingin sa color pink na kubrekama at mga pillow case ko. Mahilig kasi ako sa pink pati kurtina ko ay pink din. Agad akong naupo sa kama ko. Namiss kong matulog sa dati kong kama.

“Nakakamiss” sabi ko at pinanggigilian ko yong unan na naroon.

Si JV naman ay nilibot ang mga mata niya sa kabuuan ng kwarto ko.
Nang makita niya ang  dingding ko na may posters ng BB ay hinawakan niya ito.

“Wow.” Namamangha siya habang nakatingin doon.

“Matagal ko na yang nilagay dyan. Actually nong nililigawan pa lang ako ni TOP ay mahilig na akong bumili ng posters nyo” sabi ko sakanya. Di parin mawala sa isipan ko yong time kung saan nakipag-agawan pa talaga sina Haiti at Green ng posters ng BB. Hindi lang ako umiimik non kahit na gustong-gusto ko ring bumibili pero syempre dahil tago nga ang paghanga ko kaya pinabayaan ko na lang kaya nong sumunod na araw ay nakabili rin naman ako.

Nakarinig ako ng yapak at saka ang pagbungad ni Papa pagpasok ng kwarto ko.

“OH. Matulog na kayo. Andon ang kwarto mo, JV” sabi ni Papa.

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon