-49-

607 15 1
                                    

CHAPTER FORTY NINE

Alam ko nakita ko si TOP. Ilang araw ng nakararaan pero alam ko na siya iyon. Ngunit di na siya nagpakita after non. Andito ako sa may room ni Papa at inaayos ang gamit niya. Nagbabayad na ngayon si Mama ng hospital bills  dahil makakalabas na si Papa ang kelangan niya ngayon ay pahinga at uminom ng gamot.

"Ayos ka lang ba, anak?" tanong sakin ni Papa kaya napatingin ako sakanya. Naupo ako sa tabi nila matapis kong i-zipper ang bag.

"Okay naman po ako, Pa" saad ko.

"Babalik ka pa ba ng Pangasinan?"

Di ko inaasahan ang tanong sakin ni Papa. Nakalimutan ko na nga na umuwi ako eh. Andon pa pala ang mga ibang gamit ko.

Umiling ako. "Ipapadala ko na lang p okay Auntie pagluluwas sila. Ang mahalaga ay maalagaan ko po kayo rito."

"Sigurado kabang ayos ka na?"

"Pa. bakit ako ang inaalala nyo? Kayo po ang may sakit hindi ako"

"May sakit ka rin naman. Masakit ang yong puso" saad ni Papa sakin.

Napatingin ako sakanila. Paano nila alam yon. May alam ba sila?

"Pa, m-may alam ba kayo?"

"Ang lalaking mahal mo ba ay yong kasama ni Jasper na artista? Si TOP ba?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Papa. Pano nila alam?

"P-paano nyo nalaman?"

"Hindi na mahalaga kung kanino o saan namin nalaman yon ng Mama ang mahalaga ay alam na namin ang dahilan. Kung talagang totoong nagmamahalan kayong dalawa, ayos lamang sakin. Kung saan ka masaya doon din ako"

Umiwas ako ng tingin. Oo, magiging masaya ako kapag kasama ko si TOP pero tuluyan ba akong magiging masaya kung di ko naman siya buong pagmamay-ari? Na nakikihati lang ako sakanya? Hindi ko kaya yon. May asawa na si TOP. Siguro nga nong nawala ako ng dalawang taon ay natutunan na rin nyang mahalin si Jessy.

"Pa, di naman ganon kadali yon eh. May masasaktan kami at iyon ang ayaw ko" saad k okay Papa.

Inabot niya ang kamay ko at pinisil iyon. "Pero kung bibigyan ka ba ng tiyansa ng pagkakataon kunin mo para maging masaya ka" saad nito.

Ngumiti na lang ako kay Papa. Sana ganon na lang yong love story namin ni TOP kila Papa. Simple walang twist para walang hadlang. Hindi katulad ng ganito na unordinary. Parang pelikula na maraming twist at conflicts. Na ang ending ay hindi happy.

Bumukas ang pinto at niluwa non si Mama. Sinabi niya na bayad na ang hospital bills at makakauwi na raw kami. Binuhat ko na ang bag ni Papa at tuluyan na kaming lumabas ng room at ng hospital.

***

It was a great day. Birthday ng pinsan kong si Myra na sa Pandacan nakatira. Nakib-day kami nila Papa at Mama sa bahay nila. May mga ilang bisita rin na dumating kaya nakulangan ng drinks kaya ako ang nagsabi kay Auntie Ems na bibili ng coke sa palengke. Kelangan kong sumakay ng jeep para magtungo roon. Yon ay ang tapat ng simbahan kung saan kami unang nagkita ni TOP.

Pagkababa ko roon ay nagtungo na agad ako sa mini mart. Bumil ako ng 2 coke na 1.5. at palakad na ako para mKung saan kami unang nagkita nagjeep uli ng magpasya akong magtungo muna sa simbahan. Kung saan kami  unang nagkita ni TOP. Agad akong pumasok sa loob at saka tinignan kung may taong naroon. May kunting tao nga nagdadasal. Sumilip lang ako. wala akong balak magtagal dahil kelangan ko pang bumalik. Palabas na ako ng simbahan ng may makabangaan ako. Isang lalaki na naka-white shirt at saka pants. Nag-sorry ako at saka na siya humakbang papasok. Tinignan ko siya nakatalikod parin siya sakin. Parang pamilyar sakin ang hubog ng katawan niya.

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon