CHAPTER TWENTY SIX
JV
Naiinis ako sa sarili ko. D@mn. Hindi ko dapat tinawag na tanga si Carms eh. Ang tanging gusto ko lang naman ay ang protektahan siya laban kay TOP. Ang di siya masaktan pa pero nainis ako eh. Nainis ako ng makita ko syang bumaba mula sa sasakyan ni TOP. Nagkita at nagkausap sila. At naisip ko ay bigla na lang nyang patatawarin ng ganon si TOP.
Naalala ko yong usapan namin.
Nagpaalam ako kay Carms na mag-si-CR pero ang totoo ay gusto ko lang sundan si TOP at kausapin siya. D@mn it. Gusto ko syang suntukin kanina ng makita ko siya. I know I don’t have any right to do that. pero nasaktan si Carms eh. Siya ang inaalala ko rito.
Paglabas niya ng CR ay inabangan ko talaga siya sa labas. Napatingin siya sakin.
“TOP, mag-usap tayo” sabi ko at saka siya huminto at tumingin sakin.
“What is it all about?” tanong niya.
“Alam mo bang nasaktan siya sa sinabi mo? TOP, hinintay ka ni Carmela ng limang taon dahil akala niya babalikan mo siya pero t@ng-*na naman. Bumalik ka nga pero di mo naman siya binalikan.”
Nakatitig lang siya sakin. “What would you expect me to do? Na balikan ko siya? D@mn it, JV. Ikaw na ang may sabi limang taon na. 5 years is too long for her to forget me. This is not my problem anymore kung bakit nasasaktan siya”
Sa sobrang inis ko ay nasapak ko na siya. Sinasabi niya bang ang may problema rito ay si Carmela at siya ay wala. T@ng-*na niya. Nagbitiw siya ng pangako kay Carms tapos ganito lang, Mas okay na sana yong di siya bumalik eh. Bumalik nga siya pero nasasaktan naman si Carmela.
“Ang g@go mo. Bumalik ka pa kung saan handa na syang kalimutan ka. Sh*t! kung alam ko lang na ganito ang mangyayari… D@mn. Matagal ko na sana syang naagaw sayo.” inis na sabi ko sakanya.
Napatingin siya sakin habang hawak ang nasaktang pisngi. Galit na siya base sa pagtitig niya sakin.
“What is your fvcking problem? Nasa iyo na siya diba? Then take her.” Sabi niya.
Inis na sasapakin ko pa sana siya kaso nakailag siya at ako naman ang sinapak niya. D@mn. Sh*t.
“If I only I can take her. Pero hindi ako ang mahal niya ikaw parin.” Bulyaw ko sakanya.
Napailing siya at saka naupo sa may bato kung saan siya bumagsak ng sapakin ko ulit siya. Napasabunot siya sa kanyang buhok.
Narinig ko syang nagmura at saka tumayo at naglakad pabalik sa tent.
D@mn. Sinabunutan ko ang sarili ko habang nasa sasakyan. Kanina pa ako rito sa garahe ng bahay at kanina pa ako naiinis sa sarili ko. Ano bang kelangan ni TOP kay Carmela? Di na niya mahal si Carmela ah. Dapat nilayuan na lang niya. Hindi yong lalapitan niya pa. Nasaktan na si Carmela ng dahil sakanya at dadagdagan pa niya.
***
CARMELA
Inaayos ko yong mga files mula sa cabinet nang nagvibrate ang cellphone kosa loob ng slacks na suot ko. Benalwala ko yon dahil nagta-trabaho ako. Ayoko kasing naiistorbo sa trabaho.
Pagkaayos ko non ay eksaktong lunch na at panauna na kami ng ibang empleyado na kumain. Susunod na sila mamaya after naming kumain dahil di kami kasya lahat sa maliit na mesa na naroon.
BINABASA MO ANG
HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)
RomanceBOOK 2 OF HIS SECRET GIRLFRIEND (FIN) Story written by Leafika Jaey © 2014