CHAPTER FOUR
JV
Nakita ko na umiiyak na naman siya. Agad nyang pinunsan yong pisngi niya saka agad na nag-iwas ng tingin at tumingin sa may labas ng bintana. Naririnig ko parin ang pag-singhot niya. Agad kong pinatay ang radio kaya tumahimik. I want to hug her pero naipit kami sa traffic.
“B-bakit mo pinatay?” tanong niya sakin na di tumitingin.
Gusto kong magmura. Bakit hindi? Kung yon ang dahilan kung bakit siya umiiyak ay gagawin ko. Bakit mas lalo niya lang pinahihirapan yong sarili niya.
“Tell me honestly, Carmela. Iniiyakan mo pa ba siya?” tanong ko sakanya.
Di siya kumibo. Narinig ko na may nagbusina na sa amin kaya pinaandar ko na ang sasakyan. Kanina pa pala nag-green light.
“Kahit ano naman ang pag-iwas ko lagi ko syang naalala, JV.” Sabi niya pero ngayon di na siya ganoong umiiyak katulad ng kanina. Kung di lang ako nagmamaneho ngayon ay kanina ko pa sana siya kinabig para yakapin. D@mn. Pakiramdam ko sa limang taong nakasama ko siya useless lahat ng ginawa kong pagpapasaya sakanya. I know na kahit kelan hindi ko naman siya kayang pasayahin dahil hanggang ngayon siya parin eh. Si TOP parin ang mahal niya.
Hindi ako kumibo. Nakatingin lang ako sa may daan habang nagmamaneho parin.
“Hindi ko alam bakit di ko siya kayang kalimutan. Sabihan mo na akong tanga dahil limang taon na akong nagpapakatanga sa pagmamahal ko sakanya pero di mo kasi nage-gets eh. Sobra ko syang mahal. Sobra-sobra.”
Napariin ang pagkakahawak ko sa manibela dahil sa sinabi niya. Is she confessiong how much she loves TOP. D@mn it. Ang sakit. Tagos na tagos sa puso yong sinabi niya na sobra nyang mahal si TOP. Ang sakit kasi eh. At yong sinabi nyang di ko gets ang pagmamahal niya kay TOP ng limang taon. D@mn it. Ako rin naman ah. Minahal ko siya ng higit sa limang taong pagmamahal niya kay TOP. All my life siya na yong minahal ko and still siya parin ang mahal ko. Ang sakit na nga eh. Gusto ko ng sumuko sa mga ganitong nakikita ko siya na umiiyak dahil kay TOP. Pero hindi ko kayang makita siyang ganito. Sabihan na akong ng martyr at masokista pero hangga’t kelangan niya ako ay narito ako para sakanya.
“Why can’t you just move on” nasabi ko na lang sakanya. Wala akong emosyon sa sinabi ko at di ko siya tinignan.
“Moving on. Ang dami ko ng ginawa para mag-move on, JV at alam mo yan”
“You know what Carm. Kaya hindi ka maka-move on sa sakanya dahil di mo napapansin ang mga taong nagmamahal sayo dahil naka-focus ka lang sakanya. Bakit di mo kaya sila pansinin at mahalin” bakit di mo kaya ako mahalin para maka-move on ka na…
Yan ang gusto kong sabihin sakanya but I didn’t. Ayoko. Hindi ko siya narinig na sumagot. Kaya naman napatingin ako sakanya.
Nakita ko syang nakasandal sa upuan at nakapikit na ang mga mata. Yong isang kamay ko ay agad kong inilapit sa mukha niya para igilid ang tumabing na buhok niya.
“If only you can love the way I love you” bulong ko sa sarili ko.
Hanggang sa makarating na kami sa subdivision nila ay tulog parin siya. Ayoko syang gisingin dahil pag-gising siya di ko siya matitigan ng ganito. Gusto syang yakapin at sabihin na ako na lang ang mahalin niya pero alam ko naman hindi naman ganoon kadali yon.
“Kasama nga kita pero yong puso mo naman napakalayo. Why I am afraid to lose you when you’re not even mine” mahinang sabi ko habang nakatingin lang sakanya.

BINABASA MO ANG
HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)
RomanceBOOK 2 OF HIS SECRET GIRLFRIEND (FIN) Story written by Leafika Jaey © 2014