Chapter 50: The start of Love Game

3.7K 26 10
                                    

Wala akong karapatang magselos, pero parang gusto ko na talagang sumabog sa inis at galit. Hindi ko alam kung ano ang plano ni Thomas kay Grace, ang kinatatakutan ko lang, baka hindi ko magustuhan yun.

“It’s a miracle! Buti hindi ka nag-wala pagkasabi niya nun?” sabi ni Von. Pinapunta ko siya sa bahay. Kailangan ko lang talaga ng masasabihan tungkol sa nangyari at sa nalaman ko.

“I swear Von! Nagpipigil ako kanina.” Sagot ko.

“Grabe! Iba rin ang style ni Thomas ah!” sabi niya tapos kinuha yung remote at ini-on yung t.v “Ginamit pa talaga niya yung istorya ng buhay niya para mapalapit kay Grace.”

“Isa rin yun Von.” I snapped. “Di ko maintindihan kung bakit ang sabi ni Thomas kay Grace eh, yung kaibigan niya ang naghahanap sa babaeng yun at hindi siya.”

“Baka nagkamali lang.” Von.

“Possible.” I sighed. “Pero may mali eh.”

“So anong plano mo?” tanong niya.

Nasabunot ko ang buhok ko. “Hindi ko alam.”

I heard him sigh tapos tinapik niya ang balikat ko. “Manhid naman yun si Grace, wag kang mag-alala.”

“Paano kung gumawa siya ng move?” tanong ko sa kanya.

He shrugged. “Its all up to Grace.”

“And oh! It’s up to you too!” dagdag niya. “Kung makikipagsabayan ka kay Torres, mas malaki pa rin ang chance mo.”

“Naalala mo ba yung nabanggit ko sa’yo dati? Yung sa sinabi ni Grace na muntikan na siyang masagasaan?” tanong ko sa kanya.

“Yun? Ano naman?” tanong niya pabalik.

“Nabanggit niya nun na gwapo raw. At yung taong muntikan na siyang masagasaan at si Torres ay iisa.” I explained. “Therefore, may chance din si Torres.”

“Sus! Phenom ka naman eh!” sabi niya. “Wag mong sabihing hanggang sa court lang ang pagiging magaling mo?”

“Iba naman to Von eh.” Sabi ko.

Totoo naman eh. Iba yung tungkol sa basketball, iba rin yung tungkol sa love. Napaka-kumplikado eh. Buti sana kung pwedeng magpa-coach, eh kaso hindi pwede.

“Look Kief, alam kong magkaiba yun. Pero kung nakaya mong maging number one sa basketball, makakaya mo ring maging number one sa puso ni Grace.” He said. “Trust me.”

Umiral na naman kasi ang pagiging duwag ko. Pero nga naman, ano ba ang makukuha ko sa pagiging duwag? Baka mawalan pa ako pag ipapatuloy ko ang kinatatakutan ko. Sana nga lang hindi dumating yung panahon na kailangan kong mamili, mamili between the girl I love, and my greatest dream.

-----------------------------------------------------------------------------------------

Ang weird talaga ni ibon. Hindi ko talaga siya gets eh. Kanina nung naglalaro kami ng basketball, nasabi ko na rin sa kanya yung tungkol sa set up namin ni Thomas. Napansin kong nag-iba yung expression niya nung sabihin ko sa kanya yun, tapos in a snap nagbago ulit, to his normal self. Ang weird talaga.

“Pumayag ka sa favor niyang yun?” tanong ni ibon. Tumango ako bilang sagot.

Alam ko napaka-petty ng reason ko para pumasok sa gusot ni Thomas. Marami naman akong pwedeng mahiraman ng pera para mabayaran siya at para di ko na gawin ang lahat ng ito, pero ayokong mangutang dahil lang sa katangahan ko, at isa pa, hindi ako mahilig sa ganun, lalo na kung malaking halaga na ng pera yung involved.

I heard him sigh. “Pretend lang naman diba?”

Tumango ulit ako as I bit my lips. Para akong batang pinagsasabihan ng magulang ko sa hitsura ko nun.

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon