There are certain things in life that are just bound to happen. Lahat yun may reason. Lahat yun may patutunguhan.
Sa mata ng maraming tao, mabait ako, maganda, matalino, magaling halos lahat ng bagay, pero di nila alam. I am a two – faced bitch.
Yeah right. Alam kong yan ang description ng iba sa akin, lalo na yung mga nagawan ko ng ‘masama.’ They think they know me well. Pero kung yan ang gusto nilang itawag sa akin, I wouldn’t really care. In fact, hahayaan ko lang sila, totoo rin naman yun eh. I am a bitch.
Angel Baraquel. Isang anghel sa harap ng maraming tao, pero isang bitch pag lahat ay nakatalikod na. Everyone thinks they know me well. Bitch na kung bitch, wala akong paki-alam. Tutal yun na naman yung iniisip nila sa akin diba? Eh di bahala sila. Pero para naman dun sa naniniwalang isa nga akong anghel, boo them! I have just deceived them.
Isa na dun si Jake. Oo aaminin ko, minahal ko si Jake. Minahal – past tense. That was during our highschool days, dun lang yun, pagkatapos eh wala na, kaibigan nalang ang tingin ko sa kanya.
But then that Grace came into the picture. Since that, naramdaman kong Jake’s slowly getting over me. Aaminin kong naiingit ako everytime nakikita ko silang dalawa na magkasama. Lahat kami ng kabatch ko eh alam na may gusto si Grace sa kanya. Naiinis ako sa fact na she’s really vocal about it and yet Jake’s just allowing her. Kaya ang nangyari, I did my best para mapalapit ulit kay Jake, at dahil dun, naitsapwera si Grace.
I’m a bitch, that’s what they know. Pero hindi nila alam ang pinagdaanan ko. Hindi nila alam kung bakit ako nagkaganito. Hindi nila alam kung bakit ko kailangang gawin lahat ng bagay na to. At higit sa lahat, wala silang alam.
In my younger years, lumaki akong pangit sa paningin ng lahat. Mataba, naka braces, magulo ang buhok - lahat na yata ng kapangitan eh nasa-akin na. kaya nga dahil sa hitsura ko, palagi akong tinutukso – binbully.
Yung ibang nagging bully eh nakasanayan ko na, pero yung pinaka-hindi ko makakalimutan eh yung lalaking tumapak na sa pagkatao ko. yung lalaking may dahilan ng lahat ng ito. Yung lalaking isinumpa kong di ko mapapatawad. Ang lalaking araw araw akong binubully. Ang lalaking minahal ko ng lubos – si Jeron Teng.
“Alam mo Angel ha, hindi kita gusto. At kahit anong gawin mo, hinding hindi kita magugustuhan!” yan yung palaging ipinamumukha niya sa akin. Halos araw araw yan ang naririnig ko sa kanya, pagkatapos niyan eh yung mga tawa ng mapanglait naming mga kaklase. Simula nung elementary hanggang nag first year highschool kami, ganyan yung treatment niya sa akin, dahil pangit raw ako.
Tiniis ko lahat yun. Lahat nung panglalait niya at ng mga kaklase namin, binale wala ko lahat yun. Dahil alam ko kahit papaano eh napapansin niya ako, okay na sa akin kahit ginaganun ako. For how many years ganun ang nagging buhay ko, not until that time na napagod na ako.
Ilang panglalait pa ang natanggap ko bago ko marealize na pagod na ako. Simula nun eh inisip kong baguhin ang sarili ko. nagpapayat ako, halos din a nga ako kumakain eh. Halos lahat ng sport eh nilaro ko rin. Lahat ng pagpapaganda nagawa ko na, pwera lang yung magpa-ayos ng mukha. Sabi naman ng iba eh maganda na naman daw ako, kailangan ko lang mag-ayos at magpapayat. At yun nga, nagawa ko nga. Pumayat ako. Pinatanggal ko rin yung braces ko, pinaayos ko rin yung buhok ko. simula nun bagong Angel na ang nakita ng mga tao. Lumipat kami sa province na mom ko. Dun kami nag-stay ng mom ko habang si dad eh nanatili sa Manila at nagtatrabaho.
Di tulad ng dati kong school, tanggap ako ng bagong school ko. Infact, napasama ako sa grupo ng populars, at dun ko nakilala si Jake. Mabait si Jake kaya naman nahulog agad ang loob ko sa kanya. Pero kahit ganun ang nangyari, alam kong someone’s still occupying the biggest portion in my heart. Ang masama nga lang eh, hindi si Jake yun, kung hindi si Jeron Teng.
Hindi maipagkakaila nasikat na siya ngayon dahil sa basketball. Naglalaro na siya for La Salle, and he’s one of their ace players. And tulad nga nung nasa elementary pa kami, habulin pa rin siya ng mga babae, lalo na ngayon, ang laki ng pinagkaiba – mas lalo siyang gumwapo.
Pero I don’t think I’ll treat him as I did way back then. Iba na ang tingin ko sa kanya ngayon. Oo he might be very attractive, pero siya parin yung Jeron Teng na nilalait ako – nakinasusuklaman ako.
And this time, maghihiganti ako sa kanya. Maghihiganti ako sa mga ginawa niya sa akin. Pinahiya niya ako, sinaktan niya ang damdamin ko, now I’m going to get my revenge. I want to get even.
--------------------------------------------------------------------------------------------
Oh ayan! Dami kong UD ngayon ah! HAhaha anyway, enjoy! :))
PS: @OhMyJeron21 ayan oh!! yung sinabi ko sa iyo!! hahaha
Vote comment fan
![](https://img.wattpad.com/cover/2400277-288-k751443.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Game
Genç KurguWhat if you have to choose between your DREAMS and LOVE? Would you choose to get both knowing that you can't give your best? Or would you rather choose one, knowing you'll lose the other? Life is a tough game. A game that everyone plays. But unlike...