The crowd’s getting wild. Napakaclose na ng laban. 89 – 90 in favor of the other team, FEU. Isang panalo nalang at makakapasok na ang team namin sa finals. Fourth quarter na . Pagod na ang teammates ko, ganun na rin ako. Hawak ko ang bola. Everyone’s shouting on top of their lungs. Kailangan kong maishoot ang free throw na ito para maitabla ang score at para mag overtime.
I dribbled the ball then positioned myself. I let out a heavy sigh as I looked at the side court. Kita ko ang parents at mga kapatid ko sa gilid, kasama si Grace. Nakablue silang lahat as a support na rin sa team namin.
I focused my sight on Grace. Hawak niya yung camera niya habang nakatingin sa akin. She nodded then showed her two thumbs up as she mouthed, ‘kaya mo yan.’
Naalala ko tuloy yung araw na umamin ako sa kanya. Akala ko everything about us would end pagkatapos kong umamin, but I was wrong. Mas naging close kami ni Grace at masasabi kong mas lamang na ako kay Thomas ngayon.
“Pumayag ka bang ligawan kita dahil ayaw mong mapahiya ako sa harap ng mga tao kanina?” I asked her.
At the back of my head, I was praying na mali ang iniisip ko. Pero yung mga galaw niya, it just makes my me think na tama yung hinala ko.
“Kasi...” she mumbled.
I heaved out a heavy sigh. “Kasi?”
I looked at her intently. She slowly looked up to me and bit her lips for the nth time today. Kanina pa siya ganyan.
“Eh kasi ikaw eh!” sabi niya.
Kumunot ang noo ko. Hindi ko siya gets.
“Bakit kasi ang sweet mo! Kainis ka!” sabi niya sabay hampas sa chest ko. “Yan tuloy naawawkwardan ako sa iyo!”
I looked at her. I was surprised ng sabihin niya yun. Sobrang layo sa iniisip ko.
“Pfft! Yung lang?!” tanong ko. Tumango naman siya.
Hindi ko mapigilan ang tawa ko kaya tawa ako ng tawa. Ni hindi ko na nga pinansin yung mga tao sa paligid namin. Tumigil lang ako nung tumalikod na si Grace at naglakad papalayo.
“Huy Grace! Sorry na! Di na ako tatawa!” sabi ko sabay habol sakanya.
“Hmph! Kainis ka talaga!” sabi niya tapos hinampas yung braso ko.
“Sorry na nga eh!” sabi ko. “Alam mo, kasi, ang weird weird mo!”
She stopped walking tapos tiningnan ako ng mataray niyang tingin. “So weird pala ako?”
“No that’s not what I meant!” I snapped. “Well, sort of. Pero di nga kasi. Tinakot mo talaga ako dun ah!”
“Tinakot?” she asked.
I nodded. “Akala ko kasi ginawa mo lang yun para hindi ako mapahiya sa kanilang lahat.”
“Hay nako ibon! Wag mo na ngang ipaalala yun sa akin, naawkwardan ako lalo eh!” sabi niya. “Basta lets just act normal. I mean, yung gaya ng dati pa rin. Pwede ba yun?”
I smiled and reached out my hand. “Sure. So is it a deal?”
She smiled back and took my hand. “Deal.”
I was snapped back into my senses. Ang ingay ng gym gawa ng rin ng supporters ng Ateneo ganun na rin ang sa FEU. This would be a make or break game. Dapat manalo kami para naman makapaglaro kami sa finals, pero pagod na lahat ng teammates ko, ganun na rin ako.
I looked at Grace once again. Nandun pa rin yung ngiti niya kahit alam kong pagod din siya. Galing lang din kasi siya sa game nila, yun nga lang, talo sila. Kaya naman dapat maipanalo ko ang larong ito, para na rin sa kanya, atleast.

BINABASA MO ANG
Love Game
Teen FictionWhat if you have to choose between your DREAMS and LOVE? Would you choose to get both knowing that you can't give your best? Or would you rather choose one, knowing you'll lose the other? Life is a tough game. A game that everyone plays. But unlike...