Habang naglalaro ako, marami akong naalala. Tulad nalang nung usapan namin ni dad nung nagbasketball kami.
“Nak, ito lang ang masasabi ko sa iyo. Tama naman yung maghintay ka sa tamang panahon eh, pero di mo masasabi na diyan lang siya sa tabi hanggang sa panahon na handa ka na. I mean, hindi mo alam, baka isang araw pagising mo, ready ka na, pero wala na pala siya.”
Somehow di ko parin gets yung logic sa sinabi ni dad. Alam kong hindi pa ito ang time, pero ayoko ring pagsisihan to sa huli. Ganun din yung perception ni Von. NAtanong ko sa kanya yung tungkol sa kanila ni Ella, at kung papaano niya nagagawang ligawan ang mama nito para maligawan niya si Ella.
“Alam mo bro, kahit maraming pwedeng mangyari nung nakaharap ko ang mama niya, inisip ko nalang yung positive side, I mean, yung positive na pwedeng mangyari. Wala akong makukuha kung puro negative lang yung iisipin ko. BAsta yun, inisip ko nalang na kung magiging okay na kami ulit ni tita Olivia, then, everybody happy! I just took the risk Kief. It’s hard lalo na’t walang kasiguraduhan. Pero Ella’s worth it. Kaya I took the risk.”
Risk. Yun yung naghohold back sa akin sa maraming bagay. Yes nagririsk ako paminsan minsan, pero hindi yun umabot sa point na may feelings ng ibang tao ang involve.
BINABASA MO ANG
Love Game
Teen FictionWhat if you have to choose between your DREAMS and LOVE? Would you choose to get both knowing that you can't give your best? Or would you rather choose one, knowing you'll lose the other? Life is a tough game. A game that everyone plays. But unlike...