Bwiset bwiset! Napaka OA ko naman talaga! Shet lang! Akala ko naiwan ko talaga yung papers para sa history naming. Lintek! Nasa bag ko lang pala! Nakita ko lang yun nung magabayad na ako ng taxing sinakyan ko papunta sa condo. Kainis! Engot ko talaga!
Lutang na lutang nga ako. Muntik pa nga akong maipit sa elevator, kung di lang dun sa operator, eh naipit na ako. Sira yata yung elevator nila eh, hindi sensitive! OO NAPAKA-INSENSITIVE NIYA! Leche!
Pagpasok ko sa unit eh nandoon na pala si Hannah. Di yan umuwi kagabi eh kasi overtime.
“Umiiyak ka ba?” tanong ni Hannah na may dalang baso ng gatas.
“Ah, eh, hindi, napuwing lang.” Ako.
Sumimangot si Hannah, alam niyang nagsisinungaling ako. I sighed. Pero di ko pa rin sasabihin yung real reason.
“Ang totoo, nagpanick lang ako kasi akala ko naiwan ko yung paper namin sa history class. Naiyak ako eh, tapos yun pala nasa bag lang, napa-aga tuloy uwi ko.” Ako.
Somehow totoo yung sinabi ko, pero its not really the real reason. Not at all.
“Ahh ganun ba? Sus grabe ka naman. Wag mo yan iyakan! Para ka namang bata niyan!” sabi niya sabay upo sa sofa. Tinabihan ko siya.
“So, may paper work na pala kayo sa history class niyo? Ano ba yan? Hindi ba alam ng prof niyo na orientation pa ang first week?”
“Matanda na eh, wala yata sa panahon niya.” Sabi ko sabay tayo.
“Oh, sa’n ka pupunta?” tanong niya.
“Sa kwarto, Matutulog lang.”
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ano ba kasing nangyari sa babaeng yun? Kainis!
“Kief, are you listening to me?”
Grabe, di naman yata yung history paper naming ang problema nun eh, meron talagang iba.
“Kief!”
Ba’t ko nga bay un pino-problema? Di ko naman kaano-ano yun!
“Hoy! Ravena! Iiwan talaga kita!”
Pero naaawa ako eh. Oo yun! Naaawa ako!
“KIEFERRRRR!!!!”
“POTEK! Ish naman wag kang sumigaw! Mabibigngi ako sa’yo eh!”
“Kanina pa ako nagsasalita dito tapos di ka naman nakikinig! Ano ba yang iniisip mo ah!” Ish.
Nasa Greenwich kami ni Ish naglulunch. Nag-aya kasi eh, di ko naman matanggihan kaya heto.
“Tsss. Sorry na! Ano ulit yun?” maypagkairita kong tanong.
“Ewan ko sa’yo Kiefer ah! Nagtatampo na ako sa’yo. Kainis ka!”
“Sorry naman Ish. May iniisip lang. Sige na, promise makikinig na ako.”
“Wag na nga lang.” sabi niya. Kumain nalang siya.
Nagtatampo na naman yan. T___T
“Ish, sorry na. Please? Come on! Ano ulit yung kwento mo?”
“Wag na yun Yan nalang sa’yo. Ano ba yan? Ba’t ganyan ka kalutang?” tanong niya.
Di ako nakasagot. Bakit? Eh alangan naman sabihin ko na nag-aalala ako sa isang babae?
“Babae yan noh?” siya.
BINABASA MO ANG
Love Game
Teen FictionWhat if you have to choose between your DREAMS and LOVE? Would you choose to get both knowing that you can't give your best? Or would you rather choose one, knowing you'll lose the other? Life is a tough game. A game that everyone plays. But unlike...