Monday, which means may history class ulit kami, which means, katabi ko na naman si ibon. Well at least naayos na naming kung ano man di naming napgka-unawaan, buti na nga lang eh. Pero nakalimutan kong iconfront siya tungkol sa actions niya. I mean, yung weird actions niya towards me.
Pero sa tingin ko, papalampasin ko nalang yun. Baka ma-awkwardan pa siya sa tanong ko eh, and worse, baka isipin niyang may gusto ako sa kanya, which is a big NO – or YES?
Ay shete! Ba’t na naman bay an pumasok sa ulo ko?
Heto na naman ako, nag-iisip ng kung ano ano. Yan tuloy, na-isip ko na naman na may gusto ako kay ibon, di pwede yun.
“Hi Grace.” I was snapped back to reality ng magsalita si Joseph. KArarating niya lang sa classroom. Actually, pito pa lang kami sa loob. Maaga natapos yung first class ko kaya naman maaga ako sa history class.
“Hi Joseph.” Bati ko pabalik sa kanya.
Nilagay niya yung bag niya sa upuan niya tapos tumabi siya sa akin. Dun siya sa upuan ni ibon umupo.
“Kumusta naman yung break mo?” tanong niya habang nakangiti.
“Uhm, okay naman. Kaso bitin eh.” Sagot ko naman. “Ikaw ba? Kumusta naman yung sa iyo?”
“Okay lang din, kaso nakakamiss yung klase eh.” Sagot niya na parang nahihiya pa.
Ngumiti ako. Feeling ko kasi hindi klase yung miss niya eh kundi tao. “Yung klase ba talaga ang namiss mo o kaklase mo?”
Napahawak siya sa batok, mukha naman siyang tensed.
“Ah kasi..” he stuttered. “Kasi ano Grace…”
“Ano yun Seph?” tanong ko. May binulong kasi siya pagkatapos nun, di ko narinig.
“Kasi ano..Grace… I mmm—“ naputol yung dapat sasabihin niya ng may nagsalita.
“Excuse me. Upuan ko yan.” Napatingin ako sa nagsalita, si ibon – with one of he’s weird look.
“Ah, so..sorry Kief.” He stuttered once again. “Ah wa..wala yu..yun. Grace.”
Tapos yun, lumipat ulit siya sa upuan niya. Si ibon naman eh nilagay niya yung gamit niya sa armchair tapos umupo na rin.
“Oh ba’t ka ganyan makatingin?” masungit niyang tanong sa akin.
“Ang bad mo talaga.” Panimula ko. “Tinakot mo si Joseph.”
Tumingin siya sa banda ni Joseph tapos balik yung tingin sa akin. “Mag ingat ka dun.”
“Huh? Bakit?” tanong ko.
“Mukha trip ka yata eh.” Sagot niya tapos sumimangot.
Di ko napigilan ang tawa ko. pinagtinginan tuloy ako nung ibang students pati na rin yung kaka-dating lang.
“Anong nakakatawa sa sinabi ko ha?” inis niyang tanong.
“Alam mo, sobra ka pa sa kapatid ko ha.” I started. “Napaka-overprotective mo! Eh kaibigan ko lang naman siya eh. Ikaw talaga!”
At in a snap, nakatanggap ako ng pitik sa noo ko.
“Sadistang ibon!” singhal ko habang hinihimas ang noo ko.
“Pasalamat ka nga I care for you.” Sabi niya.
I felt like my heart skipped a beat.
He cares for me?
“I mean, diba, ayaw mo nun? Concerned ako, baka ipakidnap ka niyan, di pa naman mapagkakatiwalaan yung mukha. Yun yun!” bawi naman niya.
Napangisi ako. Maghihiganti ako sa kanya this time. “Weh? Binawi mo pa talaga? HAlata ka na uy! Eeehhh concerned siya sa akin.”

BINABASA MO ANG
Love Game
Teen FictionWhat if you have to choose between your DREAMS and LOVE? Would you choose to get both knowing that you can't give your best? Or would you rather choose one, knowing you'll lose the other? Life is a tough game. A game that everyone plays. But unlike...