Chapter 56: To fall in love

3.5K 29 8
                                    

Tama bang buksan ko ulit ang puso ko? Tama bang magmahal ulit ako – sa isang basketball player pa talaga! May balat yata ako sa pwet eh! Lapitin kasi ako ng basketball players. Well don’t get me wrong. I mean, marami akong kilalang basketball players. Una si Jake, tapos yung crush ko before Jake, si Stephen, basketball player din yun. Tapos ngayon ang buong team ng Blue Eagles tapos may Thomas Torres pa!












As far as I can remember, lahat ng lalaking nagustuhan ko eh basketball players. Siguro yan na yata yung kapalaran ko – doomed with players. But I must say na dahil sa nakasama ko ang mga players na to, I can prove na mali yung perception ng ibang tao sa kanila.














Basketball player is equivalent to a player – those who play around with feelings. Yun yung palaging perception ng ibang tao na masasabi kong mali. Lets say si Jake. He’s a loyal guy to Angel. O kung si Von naman, loyal din yata siya kay Ella. Si ibon naman eh family oriented tapos napakamabuting kaibigan pa. and here’s Thomas, napaka loyal to the point na umabot pa ng 12 years ang pagkagusto niya sa akin. I just realized how lucky I am na nakilala ko sila kahit na medyo magulo ang buhay ko ngayon dahil na rin sa kanila mismo.














“Oh? Tulala ka na naman?” si ibon pala. Kapapasok lang niya sa kwarto na may dalang maliit na kit.












“Wala napaisip lang.” sabi ko. “Ba’t ang tagal mo?”





Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon