Nasa condo na ako. Mamaya pang 1 pm ulit yung klase ko tapos sunod-sunod na hanggang 5 pm. 11:36 na, gutom na ako pero tinamad naman akong magluto kaya nag-padeliver nalang ako. Hinihintay ko nalang yung pizza delivery. GUTOM NA AKO!!!
Kinuha ko nalang yung phone ko. May 8 messages and 2 missed calls.Halos lahat ng messages eh group message lang. Yung kay Hersh at Kieth lang ang hindi. Nag-tatanong lang naman sila tungkol sa araw ko sa bago kong school. So yun, sinabi ko yung tungkol sa pagka-bwiset ko kay Kiefer.
Sunod, tiningnan ko kung kanino galing yung missed calls. Kay mama at papa pala. Patay ako!
Pinindot ko nalang yung call button. Tatawagan ko si mama, baka kasi importante eh.
“Hello ma?” sabi ko.
“Oh Grace? Kanina pa ako tumatawag sa isa mong phone ah? Ba’t out of coverage?” tanong ni mama.
I bit my lower lip. “Eh ma kasi…”Patay! Paano ko sasabihin na nasira?
“Di bale. Sasabihin ko lang sana na nasa bank account mo na yung pera para sa dorm mo.” Sabi ni mama.
Naka-hinga rin ako ng maluwag. “Eh ma, dito nalang po ako kay Hannah.”
“Eh mahiya ka naman diyan! Baka kung ano ano yung ginagawa mo diyan ah!” sabi niya.
Narinig kong may nag-doorbell. Siguro yun na yung order ko.
I stood up and walked towards the door, habang kausap ko pa rin si mama. “Di po mama. Promise! Good girl ako dito.”
“Oh di okay. Babawiin ko nalang pala yung pera?” she said as she chuckled.
Hala! Di pwede! Binigay na eh!! “Mama naman eh! Akin nalang yun! Please.” Pagpapacute ko.
“Ay, oo na sige na. Bye.” she said.
“Bye po.” sabi ko as I ended the call.
After that, pinag-buksan ko na rin yung nag-doorbell. Yun nga yung inorder ko. I paid immediately tapos nag-handa na ako para kumain.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
———————————————————————————————————————-
“Grabe bro! Ang sungit! Parang meron ata yun ngayon!” sabi ko sabay subo ng burger na order ko. Kasama ko si Von. We’re having our lunch together.
He chuckled. “Sus! Halata namang type mo!”
“Yun? Type ko?! Tss! Mukhang bata. Saka, baka makapagkamalan akong kuya nun. Ang liit eh parang highschooler. Matangkad lang siya ng konti kay Dani.” sabi ko. “She’s not my type bro.”
BINABASA MO ANG
Love Game
Teen FictionWhat if you have to choose between your DREAMS and LOVE? Would you choose to get both knowing that you can't give your best? Or would you rather choose one, knowing you'll lose the other? Life is a tough game. A game that everyone plays. But unlike...