Chapter 80: I don't love you

3.2K 33 14
                                    

Yesterday was a long day for me. Ang bagal nung takbo ng oras, at ayoko nun. Ang daming nangyari, at nastress ako dun. Kaya heto, feeling ko ang bigat ng katawan ko, masakit din yung ulo ko. Feeling ko lalagnatin ako.

“Wag ka nalang kayang pumasok ngayon?” Suggest ni Hannah. “Tutal dalawa lang naman yung subjects mo for today di ba?”

“Eh kakausapin ko kasi si Thomas ngayon.” Sabi ko sabay inom nung choco drink ko.

Tumayo si Hannah sa harap ko sabay pamewang.

“Oh. Bakit?” tanong ko.

“Grace ha! Baka ma issue ka na naman.” Sabi niya. “Pasalamat ka at sa net lang yung kumakalat na chismis tungkol sa iyo. Kung sa tv pa yun, nako! Lagot ka sa parents mo!”

Alam na rin pala ni Hannah pati na rin ni Henry ang tungkol sa issue. Nagalit nga si Henry eh nung malaman niya ang tungkol dun. Alam naman kasi niya na hindi ko kayang sabihin ang mga yun. He told me that we’ll sue the website na nagpakalat nung news na yun at siyemp yung Amy, pero I stopped him. Walang kasalanan si Amy sa nangyari, alam kong nagawa lang niya yun dahil kay Jade. Actually, hindi nila alam na nangyari lahat to dahil kay Jade. Siguro kami lang tatlo ni Thomas at Kiefer ang may alam tungkol dito.

“Kaibigan ko si Thomas, Hannah.” Sagot ko.

“Correction! Manliligaw mo yun Grace.” Sabi niya.

“Tss. Umalis ka na nga! Baka matraffic ka pa.” I changed the topic. Wala ako sa mood makipag debate kay Hannah ngayon. Ang sakit ng ulo ko.

“Ay oo nga pala!” sabi niya. “Wag mong kalimutan yung mga plugs ah!”

Tumayo ako tapos tinulak si Hannah ng mahina papuntang pintuan. “Oo na! Alis na bilis!”

“Ikaw Grace ha! Baka nakakalimtan mo, condo ko to.” Sabi niya.

I chuckled. “Joke lang. Hahaha! Oh alis na baka matraffic ka kasi.”

“Oo na!” sabi niya tapos umalis din.

I sighed and plopped down the sofa. I still have a few hours to go but somehow naisip kong hindi pumasok. Hindi dahil sa feeling ko magkakasakit ako, but because of Thomas. Hindi ko alam kung handa na ba talaga akong harapin siya or what. Hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin ko sa kanya eh.

A few minutes later, biglang may nagdoorbell. I stood up and tried to find out kung sino yun. I was shock to see Thomas.

“Grace.” He mumbled.

What to say? What to say?

“Thom.” Sabi ko.

“Can we talk?” tanong niya.

I looked at him then sighed. Wala na rin naman akong magagawa eh, kailangan ko na talaga siyang harapin.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

No matter what I’ll do, wala na rin akong magagawa. Nangyari na ang dapat mangyari. Nasaktan ko na siya, pero mas nasaktan ako. This is what I’ve wanted to do ever since pero through the process, nagbago ang isip ko, kaya naman labag sa loob ko ang ginawa ko – ang layuan si Jeron.

I looked at my phone where a photo of us was flashed. Masaya kaming dalawa. That was – until I revealed everything to him. I closed my eyes as I remember that night he took me out for a date.

“I love you Gel.” He said. “Will you be my girlfriend?”

I closed my eyes. It’s now or never Gel. Tama tong gagawin mo.

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon