Chapter 25: Green

4.2K 23 11
                                    

Things happen when you least expected to.









Thomas Christopher Torres, #16 ng De La Salle. Basketball player, though I’m not as famous as Jeron Teng. Well, siguro over net medyo kilala ako, pero not as famous as Ravena and Teng. Sila kasi yung kilala talaga eh.

Somehow, I wanted to get famous. No, not for fame. But to find someone. To find her.

Twelve years ago. Matagal nay un, but I can still remember what happened, and I can still remember – HER. Isang babaeng clumsy na muntikan ng malunod dahil sa katangahan.

It was summer that time, pinasali ako ng tita ko sa isang sports clinic nun, at sa swimming ako ini-enroll. Swimming’s not really my thing, pero sabi nga ng tita ko eh subukan ko lang daw. Actually, nagbabakasyon lang ako sa kanila that time kasi nasa labas ng bansa yng parents ko that time at iniwan muna ako kina tita Lisa, at dahil ininroll din yung mga pinsan ko, eh damay na rin ako.

So yun nga, ilang araw rin yung pagtuturo sa amin nun, hapon yung time ko kaya di masyadong mainit. Kampante na ako na marunong akong lumangoy kaya di na ako nagbother na makigulo pa dun sa mga nagging kaklase ko na kinukulit yung coach naming. Yung mga pinsan ko eh nasa ibang section, ibang coach yung nagtuturo eh samantalang ako eh nag-iisa, walang maka-usap.

Playtime naming nun, which means, pwedeng gawin ang ano man naming gustuhin. Nanatili lang ako sa gutter and did some kicking ng biglang may humablot sa akin mula sa ilalim. Nag panick ako. Di ako makahinga. Ramdam ko na nawala na yung kamay na humila sa trunks ko kaya umangat na rin ako. Paglingon ko eh isang batang babae na naghahabol ng hininga yung nasa tabi ko. Medyo namumutla siya. Narinig ko yung pito ng coach which means aahon na kami, pag lingon ko eh wala na yung batang babae.

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon