Chapter 78: Thank you

3.2K 29 3
                                        

I really need my bestfriend by now. Pero mukha kailangan niya munang mapag-isa. I understand what she’s going through right now, at nirerespeto ko siya. But somehow, I wanted to tell her everything that I am feeling right now, all those pain na dahil sa babaerong Von na yun, gusto kong ilabas lahat yun, I need Grace, but she has to be alone as of now.

Natapos na yung accounting class ko. I decided to be alone instead. Hindi ko na hinanap si Grace. For sure naman di rin ako kakausapin ng matino nun.

“Excuse me miss?” may biglang nangalabit sa akin. Hinarap ko siya. I was shocked to see a bitch in front of me. “Alam mo ba kung saan yung building ni Von? Von Pessumal.”

I looked at her from head to foot. Siya yung babaeng nakita kong kahalikan ni Von nun. The nerve of this girl! Bwiset!

“I believe that staring is not good.” Bigla niyang sabi. “Now will you just tell me kung saan yung building niya? Nagmamadali ako!”

I snorted. “Hanapan ba ako ng nawawalang babaero?!”

Her jaw dropped. Then she pointed her finger to me. “How dare you para tawaging babaero si Von?! Sino ka ba ha?!”

“Sino ako? Tinatanong mo kung sino ako ha?!” I looked at her fiercely. “Ako lang naman ang girlfriend ng lalaking hinahanap mo!”

“Wait let me rephrase that.” I paused at looked at her from head to foot. “Ako lang naman ang girlfriend ng lalaking nilalandi mo!”

Her jaw dropped once again as her eyes widened. “You’re Ella?!”

Wow! Kilala niya pala ako? Bitch!

“Yes I am.” Sagot ko with full of confidence.

She managed to compose back herself and smiled evily. “Oh. Ikaw pala ang ex girlfriend niya.”

I was taken aback with what she said. “Excuse me?”

“Oh bakit? Hindi ka pa ba niya hinihiwalayan?” she asked. “Well, baka any time this day, soon to be ex girlfriend ka na niya.”

“How dare you bitch!” I shrieked as I slapped her face.

Hawak niya ang mukha niya na sinampal ko. “How dare you!”

Naramdaman ko nalang din yung kamay niya sa mukha ko. Then and there nagsabunutan kaming dalawa. Wala akong paki-alam kung may makakita sa amin. Ang alam ko lang ngayon, gusto kong wasakin ang mukha ng babaeng ito.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Having someone whom I could talk to really helps a lot. Kahit papaano, gumaan ang loob ko dahil sa presence ni Trinca. Siguro mali ang ginawa ko kay Thomas. Wala akong karapatan para gawin sa kanya yun, pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko eh. I just felt jealousy rushing through my veins.

“Si Grace yun di ba?” tanong ni Trinca as she broke the hug.

I looked back and spotted Grace. Naglalakad siya papalayo.

“Puntahan mo na.” Narinig kong sabi ni Trinca. I looked back at her, she just smiled and nodded.

I smiled back. “Thanks for accompanying me Trincs. I owe you one.”

“Balang araw sisinngilin kita Ravena. But as of now, puntahan mo muna yung prinsesa mo.” Sabi niya.

I smiled then chased Grace. Nung malapit na ako sa kanya, I decided to trail behind her. Napansin ko kasi na parang bumubulong siya sa sarili niya eh. Maypagkabaliw din kasi tong babaeng to. Pero kahit ganun, mahal ko siya.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang huminto sa paglalakad at sumigaw. “Arghhh!!! Baliw ka na Grace!”

She let out a heavy sigh and mumbled. “Baliw na nga yata ako.”

Kahit masama ang loob ko sa kanya ngayon, I can’t hide the fact na natatawa ako sa pinagagawa niya. I wonder what’s in her mind right now.

She started walking again. But I just can’t let this day end lalo na ganito kami – hindi magkasundo.

“Grace.” I called. She stopped from her tracks then slowly turned to see me.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. I noticed she bit her lips before she looked down. Nung nasa harap na niya ako, I spoke, “ I assume na may sasabihin ka sa akin kaya ka nagpunta dito.”

She looked up to me while still biting her lip. I raised my brow as I crossed my arms. “So what now miss Villa?”

“Sorry.” She mumbled.

“Ano ulit yun?” I pretended not to hear. But the truth is, rinig na rinig ko.

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin. I was caught off guard with what she did. But I managed to smile as soon as I realized what she just did.

“Sorry na ibon! I’m sorry for all those word I’ve said kanina. Sorry.” She said between her sobs.

As if on cue, I hugged her. It was tight enough for her to know na I have forgiven her. May kasalanan din naman kasi ako eh. “I’m sorry din Grace.”

She broke the hug and looked at me with her swollen eyes.

“Thomas saved my life nung mga bata pa kami.” She said. Nagulat ako sa sinabi niya. Ibig sabihin matagal na pala silang magkakilala.

“Muntikan na akong malunod nun. Basta ganun. Naligtas ako dahil sa kanya.” She added.

So yun pala? Kung alam ko lang sana nuon pa, eh di sana hindi umabot sa ganito.

“I’m sorry kung hindi ko sinabi sa’yo dati.” Sabi niya.

I gave her a warm smile tapos ginulo yung buhok niya. “Sa susunod, wag ka ng maglihim sa akin ha.”

“Hindi naman ako naglihim ah.” Sabi niya as she wiped her tears. Tinulungan ko na rin siya. Inayos ko yung bangs niya. Ang dugyot na niyang tingnan.

“Basta. Kalimutan nalang natin to Grace.” Sabi ko.

“Sorry ulit.” Sabi niya.

I chuckled tapos inabot sa kanya yung panyo ko. “Punasan mo yang ilong mo. Uhuging bata. Pasalamat ka mahal kita.”

I was not expecting for her to answer, kasi nga di ba, AWKWARD QUEEN tong babaeng to. Pero nagulat ako sa sinagot niya, “Thank you.”

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MEHEHEHE at dahil maraming gusto na ng UD, ayan oh! Di ko na pinaabot ng Sat. pero short  nga lang yung UD. I was planning na long UD sana eh, pero anyway, heto na.

Sorry for the late UD.

Vote comment fan

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon