Bumalik ulit kami kina Grace. Naiwan kasi raw niya yung camera niya eh, at isa pa ito-tour din niya ako sa mga tourist spots dun. Ako pa rin yung nag drive nung kotse niya. This time, binagalan ko nalang yung pag-dadrive, baka mag-away nanaman kami eh.
“Sabi ni mama na ditto nalang daw tayo mag lunch.” Sabi niya nung nakapasok na siya ng kotse, hawak yung dslr niya.
Tumango nalang ako at nagsimulang magdrive. Tinuro ni Grace yung daan tapos sumunod lang naman ako.
“Baba tayo.” Sabi niya.
Bumaba naman kami. Nasa isang highland kami. Parang kita yung view ng buong city.
“Wow!” I gasped. Ang ganda kasi ng view. Ang sarap din ng simoy ng hangin. Hindi naman kasi ganun kainit, just simply – perfect.
“Ganda no?” Grace.
“Yeah. First time ko ditto.” Sabi ko tapos tumingin sa kanya. Siya naman eh ang layo nung tingin. Di siya umimik. Bigla nalang siyang pumikit, and heaved out a heavy sigh.
I looked at her. She’s beautiful. Mas maganda pa sa view ng lugar kung saan kami ngayon.
“Pwede kang mag-emote ditto.” Sabi niya habang nakapikit pa rin. Ilang sandali lang eh binuka ulit niya yung mga mata niya tapos tumingin sa akin. Iniwas ko agada ng tingin ko.
“Ba.. bakit naman ako mag-eemote?” I stuttered. “Di ako emo ga.. gaya mo.
“Sus!” humarap siya sa akin. “Lahat tayo may pagka-emo no!”
“Wag mo kong itulad sa’yo!” sabi ko sabay pitik ng noo niya.
“Aray! Sadistang ibon!” reklamo niya habang hinihimas yung noo niya.
“So nag-eemo-emohan ka ngayon?” tanong ko. HAwak pa rin niya yun noo niya.
“May naiisip lang.” sagot niya tapos dahan dahang naglakad. Sumunod naman ako sa kanya.
Maganda yung lugar. Hindi lang dahil kita yung view ng city, pero dahil na rin sa mga halaman sa paligid. May infinity pool din sa may kabilang side. Sa kabilang side naman eh may lighthouse. On the other corner eh may stalls, food stalls yata.
“Si Jake ba?” tanong ko sa kanya nung maabutan ko siya. Patuloy pa rin kami sa paglalakad. Si Grace eh nakatingin lang sa mga paa niya habang naglalakad, ako naman eh nakatingin sa kanya.
“Oo.” Sagot niya.
I felt this certain jealousy building inside me. Naiinis ako. Bakit pa ba kasi naiisip yung lalaking yun?
“Birthday niya bukas.” Dagdag niya. Napahinto ako. Huminto na rin siya at tumingin sa akin. “At gusto niya daw akong Makita.”
Natulala ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Mali pala, alam ko yung sasabihin ko, pero hindi ko yun basta bastang masasabi sa kanya.
“Wag kang makipagkita sa kanya.” Yan ang gusto kong sabihin sa kanya. But then hindi pu-pwede yun.
“Makikipagkita ka ba sa kanya?” tanong ko.
“Sa tingin mo makikipagkita ba ako?” tanong niya pabalik.
Hindi Grace. I want you to just spend that day with me.
“Nasa sa iyo yan.” Yang ang nagging sagot ko. She just shrugged tapos naglakad na ulit. Naglakad na rin ako hanggang maabutan ko ulit siya.
Huminto kami sa harap ng pool. Lumapit siya sa may gutter tapos umupo. She dipped her feet unto the water. Ginaya ko rin siya. But nga naka tsinelas lang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/2400277-288-k751443.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Game
Teen FictionWhat if you have to choose between your DREAMS and LOVE? Would you choose to get both knowing that you can't give your best? Or would you rather choose one, knowing you'll lose the other? Life is a tough game. A game that everyone plays. But unlike...