“Hoy! Kanina ka pa tulala diyan ah?” si Von.
“Hayaan niyo na nga lang yan! Love sick eh!” si Nico naman.
“Ganyan ba talaga pag nalalayo yung girlfriend? Kahit isang araw pa lang wala parang baliw na?” si Ryan yata.
“Di, si Kiefer lang yata yung ganyan.” Juami.
Potek! Tulala lang ako! Di ako bingi! Naririnig ko yung usap usapan nila. Naku! Napaka-paki alamero talaga nitong mga teammates ko!
“Ano ba! Wag niyo nga akong paki-alamanan!” inis kong sabi.
“Mag-stretching ka na! wala ka na rin namang magagawa eh wala ditto yung taga punas ng pawis mo.” Von.
Nasabunot ko yung buhok ko tapos tumayo na at nagstretching. May training kami ngayon. Inis rin pala ako kay Von. Siya pala yung naghatid kina Grace kahapon, di man lang niya sinabi. Di tuloy ako nakapag-paalam.
“Focus muna tayo guys, may laro tayo this Friday.” Sabi ni Nico.
“Kief.” Bulong ni Von na nagstre-stretching sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Love Game
Teen FictionWhat if you have to choose between your DREAMS and LOVE? Would you choose to get both knowing that you can't give your best? Or would you rather choose one, knowing you'll lose the other? Life is a tough game. A game that everyone plays. But unlike...