Chapter 4: Cellphone

5.6K 39 8
                                        

I’ve been a good girl naman eh! Pero bakit ang malas malas ko? Sa dami-daming pwede kong maging seatmate, ang BWISIT NA IBON pa!

At isa pang malas, groupmate ko siya sa History assignment namin. Ano ba naman yan? First day na first day eh may assignment kaagad? Lupet din nung prof! Di ko nga matandaan yung pangalan eh kasi nabwisit talaga ako sa katabi ko. Wala akong maintindihan sa pinagsasabi ng prof. While yung IBON na katabi ko, ewan ko ba, feeling ko tingin ng tingin. Di naman sa feelingera, pero feel ko talaga eh.

Buti pa yung babaeng katabi niya, mabait pa. Her name is Lian. Tapos yung guy na medyo nerdy sa tabi ni Lian, mabait din. Joseph yata yung name. So since si Lian yung medyo madaldal sa aming apat, siya yung nag-iniate ng discussion. Yung IBON naman eh di nakikinig nag-tetext lang.

“Alam ko namang di niyo pa feel pag-usapan yung tungkol sa assignment na to, so pag-usapan nalang natin kung kailan natin gagawin.” Sabi ni Lian. 

“What if Saturday nalang? Tutal Monday pa yun ipa-pass kasi may ida-dagdag pa siyang instructions this Wednesday eh.” Joseph suggested.

“Ha? Di ako pwede this Saturday. May training kami eh.” Singit ni ibon.

Tumingin naman si Lian sa akin. “Eh ikaw Grace, busy ka ba this Sat?”  

“Ah, Saturday? May appointment kasi ako. Pero don’t worry, tutulong naman ako eh.” Sabi ko.

I remember, kailangan ko palang pumunta sa office. May instructions na ibibigay tapos take home na yung ipapagawa sa amin.

“Ah ganun ba? Kasi ikaw yung galing sa ibang school eh kaya dapat sana present ka pag-gagawin natin yung report paper.” Sabi niya.

“Hmm, what if ganito nalang. Ibibigay ko sa inyo yung brief background tungkol sa school namin tapos kayo nalang mag elaborate. Okay ba yun?” suggestion ko.

 Yung ibon naman na katabi ko, biglang nag-react. As if his ears perked up when he heard what I said. “Di pwede yun! Ang daya!”

 I gave him a glare. “Eh ako lang din naman yung magsasalita pag reporting na ah. That’s fair enough!”  

“Well Kief, I think she’s right. Atleast madali na rin yung gagawin natin, tutal madali nalang din naman mag-search sa net eh.” Singit ni Lian.

“Don’t worry Lian, ibibigay ko naman yung background this Wednesday para wala na kayong proproblemahin pa.” I said as I focused my attention to Lian.

 “Tss.” The ‘bird’ mumbled tapos bumalik siya sa pag-tetext niya.

 “Yun naman pala Kief eh!” sabi ni Lian. “Ay teka, hingin ko nalang yung number mo Grace.”

Napatingin ako kay ibon. Potek! Sinira ng ibon na yan yung phone ko!

“Grace.” tawag ulit ni Lian.

“Ah, teka lang ha.” Sabi ko sabay halungkat sa bag ko.

I searched for my planner. Nandun lahat ng contacts at mga achuchuchu ko. Pati nga yung passwords ko sa mga emails ko pati yung sa facebook at twitter at wattpad din, at siyempre yung pinaka-precious sa lahat – password ng tumblr ko.

I looked for my number nung isa ko pang phone. Hindi ko naman memorized eh. I don’t usually use it.

“Oh eto 0917*******” sabi ko tapos si Lian naman nagtype.

For the nth time, sumingit na naman si ibon. “Eh di ba sira yung phone mo?”

I looked at him with blank expression. “May spare ako.”

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon