Chapter 20: Ride home

4.3K 29 6
                                        

Nagulat ako ng tumawag sa akin si Grace. Di ko inasahan na nandun si Von sa apartment ng kaibigan ni Grace na Ella yung pangalan. Ang liit talaga ng mundo. Ang bestfriend ko, at ang bestfriend ni Grace, eh may past pala.










 Pagkarating na pagkarating  ko sa apartment nung Ella, kita kong tension sa pagitan nung babae at ni Von. Si Grace eh nandun lang sa likod ng kaibigan niya pero di ganoon ka lapit.











Hindi ako sigurado sa nangyayari, pero base sa narinig ko sa pag-uusap ng dalawa eh talagang may something talaga. Yung kaibigan ni Grace, ayaw kausapin si Von, si Von naman eh nagmamaka-awa to the point na nasigawan niya si Grace. Di lang yun, nasaktan niya rin si Grace nung hawakan niya ang mga braso nito. Ilang beses kong nasuntok si Von. Ito ang way ko para matauhan siya. Lasing na lasing eh. And this is the first time na ganito yung inasta niya. I didn’t know na ganito pala ka lalim yung problema niya.











Kilala ko si Von eversince. Ang dami niyang babae. Ang damin niyang nagging girlfriends, pero I never knew na may nag-eexist pala na babae sa buhay niya na nagbigay ng napakalaking impact sa kanya.













I never heard about their love story. Not even just a story about her. Wala. Walang nabanggit si Von.  And I’m dismayed.










Nasettle yung gulo ng magpresinta si Grace na tulungan si Von. Yes she did that. Nainis ako sa ginawa niya. mas lalo niyang binibigyan ng hope si Von sa isang bagay na wala na talaga.  I mean, alam kong alam ni Grace na mahirap na kausapin pa ni Ella si Von. Lalo na nung malaman namin na possibleng nagka-amnesia si Ella. Magulo. Magulong magulo. Nadagdagan pa ang problema sa love story ng dalawa nung mabanggit ni Grace nab aka dumating ang mama ni Ella dito buti nga at hindi yun na open up kanina eh, baka mas lalong hindi pumayag si Von na ipagpabukas pa yung pag-uusap nila ni Ella.

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon