“Excited na talaga ako Grace! Naku gagala tayo ng bongga pagdating natin dun!” sabi ni Ella.
Kanina pa yan. Ang kulit. Sa sobrang excited eh wala ng katapusan yung speech niya.
“Nahihilo na ako sa’yo Ella ah! Oo na! gagala na tayo. Pwede ba, ang dami na niyang dala mo eh.” Reklamo ko.
Nandito kami sa apartment ni Ella. Dala ko na yung gamit ko para sa pag-uwi namin sa province. Eh si Ella naman eh ngayon lang nag-impake, at ang dami pa talaga niyang dadalhin.
“Ano ka ba Grace, ang dami ko na nga ring gamit dito eh. I-uuwi ko lang tong iba.” Sabi niya.
“Tss. Ewan ko sa iyo!” sabi ko sabay on ng tv.
“Nagpa-alam ka na ba sa prince charming mo?” tanong niya tapos umupo sa tabi ko.
Nilingon ko siya with a weird look. “Prince charming?”
“Oo. Si Kiefer!” sagot niya sabay taas baba ng kilay.
“Prince Charming ka diyan!” hinampas ko siya sa braso. Mahina lang naman.
“Sadista mo talaga Grace!” reklamo niya. “At oo, si Kiefer, yung prince charming mo! Di ka ba nagpaalam?”
“Bakit naman ako magpapa-alam dun?” tanong ko tapos tinuon ko yung attensyon ko sa palabas.
“Tss. Ikaw Grace ha. Master mo kaya yun! Kaya dapat alam niya. Ano ka ba!” Ella.
Oo nga no?! baka bigyan na naman niya ako ng punishment. T_____T
“Oo na! magpapa-alam na po! Shet! Para namang parent ko siya at pag-papa-alaman ko pa.” sabi ko sabay kuha nung phone ko sa bag.
“Ewan ko sa iyo!” tumayo siya. “May kukunin lang ako sa kwarto.”
Tumango nalang ako at tinext ko si ibon.
“Ibon, wala ako next week. Uuwi ako eh.” Text ko kay ibon.
Ilang sandali lang ay nagring yung phone ko. Si ibon tumatawag.
Di ba niya alam mag reply sa text? Tss.
“At san ka naman pupunta?” bungad niya sa akin.
“Wow ha, wala bang hello?” inis kong sabi. “Uuwi nga ako sa province namin. Kasama ko si Ella.”
“Kailan?” tanong niya agad.
“Bukas.” Ako.
“WHAT?!” malakas yung boses niya nun kaya nailayo ko yung phone ko sa tenga ko. Grabe, over naman tong lalaking to!
“Wag ka ngang sumigaw! Mabibingi ako sa bosese mo eh!” reklamo ko.
“San ka ngayon?” he asked.
“Sa apartment ni Ella nag-“ di ko natapos yung sasabihin ko dahil in-end call niya agad. Shet! Walang manners!
“Oh ba’t ganyan yang mukha mo?” tanong ni Ella na may dala dalang stuffed toy.
“Walang manners na ibon na yun! Binabaan ba naman ako? Di pa ako tapos magsalita eh!” ako.
Umupo naman siya sa tabi ko tapos yakap-yakap niya yung stuffed toy na bay suot na blue na jersey.
“Yuck. Don’t tell me kay Von yang jersey na yan na suot ng stuffed toy mo?” sabi ko.
“Yuck yuck ka diyan! Bigay to ni Von no!” sabi niya sabay irap.
----------------------------------------------------------------------------------------
Potek! San na naman kaya pupunta yung babaeng yun?! At ngayon lang nagpaalam sa akin! Lintek!
BINABASA MO ANG
Love Game
Fiksi RemajaWhat if you have to choose between your DREAMS and LOVE? Would you choose to get both knowing that you can't give your best? Or would you rather choose one, knowing you'll lose the other? Life is a tough game. A game that everyone plays. But unlike...