Nagsimula na yung game. Kasisimula pa lang nito pero intense na masyado ang laro, gitgitan yung score eh 8-9 agad, in favor sa Ateneo.
“Tingnan mo yung Torres oh, kanina pa siya kay Kiefer.” Sabi ni Ella sabay turo dun san aka #16 na jersey.
Ako nga rin eh, napansin kong kanina pa niya binabantayan si Kiefer, well siguro yun yung order sa kanya ng coach nila, pero parang may mali eh.
“Teng for two!” sabi nung announcer.
Naghabulan ulit yung players. Sa Ateneo yung bola, hawak yun ni Greg. Dinibribble niya yun saka pinasa kay Kiefer. Bantay saarado naman siya nung Torres. Napansin kong nakangiti lang si ibon. Feeling ko ginagawa niya yung sinabi ko sa kanya dati, na ngumiti lang para madeceive yung kalaban.
Mabilis na tumakbo si ibon habang dinidribble and bola, pero nahuli
pa rin siya ni #16 at nakuha
nito ang bola mula kay ibon.
“Woah! Galing nun ah!” si Ella. Tutok na tutok siya sa laro gaya ko.
Hawak nung Torres yung bola, pilit siyang hinabol ni ibon. He tried to pass it kaya aagawin sana ni ibon kaso he was only faking, kaya nakalagpas siya kay ibon at hinagis yung bola from the three point line.
“Torres for three!” sigaw nung announcer.
Nagsi-hiyawan lahat ng tao na nandito sa court. Maingay. Sobrang
ingay.
“Ano ba naman yan? Practice game lang tapos ganito.” Reklamo ko.
“Sus! Ganito talaga dito Grace, supportive masyado yung mga tao eh.” Sagot ni Ella na hindi pa rin inaalis yung tingin sa mga naglalaro.
Bumalik nalang ulit yung tingin ko sa court. At dahil dun nahagip ng paningin ko si #16 na nakatingin sa banda ko. I just shrugged it off, baka kasi yung mga tao sa may likod ko yung tinitingnan niya. pero naisip ko rin nab aka nakilala niya ako, na muntikan na niyang masagasaan. Binaling ko nalang yung tingin k okay ibon na nawala na yung ngiti sa mukha niya.
Nagsimula na ulit silang naghabulan. Bola ng Ateneo. Si ibon yung may hawak ng bola at dinribble niya yun. Bantay sarado pa rin siya ni Torres. Ewan ko ba kung bakit ganun, pwede namang si Jeron Teng yung magbantay ka ibon eh,since sila naman talaga yung parang may rivalry.
“Bakit kaya si Torres yung nagbabatay kay Kiefer?” tanong ni Ella.
“Malay ko ba.” Sagot ko.
Nakita ko na napatingin si ibon sa may banda naming ni Ella. Yung mukha niya eh parang pressured. Tumayo ako mula sa kina uupuan ko at sinenyasan siyang ngumiti. Para nga akong clown eh, pero wala eh, balik kasi siya sa pagfefeeling niyang pressured siya.
Unti unti siyang ngumiti. Napangiti lang din ako, yung totoong ngiti. Balik ulit ako sa upuan ko.
“Uyyy!! Napaka supportive girlfriend mo ah!” pangaasar ni Ella.
“Che! Tumigal ka nga!” saway ko sa kanya tapos binaling ulit tingin ko sa naglalaro.
With the smile on his face, gumalaw galaw si ibon. Nahihilo nga ako sa ginagawa niya eh tapos yun bigla nalang siyang umikot at nalampasan niya yung nagbabantay sa kanya. Tapos shinoot niya yung bola mula sa three point line.
“Ravena for three!” announcer.
Bigla naman lumakas ang hiyawan ng mga taga Ateneo. Tumingin na naman si ibon sa side namin ni Ella tapos kumindat.
WTF?! Did he just..?
“Nagpapa-pogi points yung boyfr- I mean, yung master mo! Kinindatan ka talaga!” pang aasar ni Ella. Nakita niya rin pala yun!

BINABASA MO ANG
Love Game
Fiksi RemajaWhat if you have to choose between your DREAMS and LOVE? Would you choose to get both knowing that you can't give your best? Or would you rather choose one, knowing you'll lose the other? Life is a tough game. A game that everyone plays. But unlike...