Chapter 89: Game over

3.8K 26 7
                                    

Indeed, love moves in mysterious ways. I liked him, and I thought it will only be at the past, pero mali ako. Hanggang ngayon, gusto ko pa rin pala siya. Hindi bilang kaibigan, pero sobra pa. But the thing is, hindi lang yun ang nararamdaman ko para sa kanya. It was more.

‘Pakinggan mo lang yang puso mo.’ Naalala ko yung sinabi ng taxi driver kanina.

That time he told me that, unang taong naisip ko eh si Kief. I never thought it was it. Akala ko nagkataon lang yun lahat.

‘The way you look at him is way too different when you look at me.’ Sabi ni Thom.

Napaisip ako nun. Paano ko nga ba tignan si Kief?

Then flashbacks came to the picture. Naalala ko lahat simula nung una ko siyang makita sa campus. I remembered kung paano ako ka starstruck sa kanya. I remembered all those times na naiinis ako pag nakikita ko siya, but to be honest, sumasaya rin ako dahil sa presence niya. And that time na sinurprise niya ako sa birthday ko, it was really something.

Siguro nga tama si Thom, kung hindi lang siguro siya dumating, I must have established my real feelings for Kief. Pero hindi ko sinisisi si Thom. Without him, hindi ko rin siguro mare-realize lahat ng bagay na to.

I looked at the view from the window. Kanina pa traffic. Parang hindi na nga gumagalaw yung mga sasakyan eh.

I looked at my phone. 9:45 na pala. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Kief, now that I have realized everything. Pero isa lang ang alam ko, I have to face him no matter what.

“Manong, wala po bang ibang daan?” tanong ko sa kanya.

“Ma’am traffic din po kasi dun eh.” Sagot nung driver.

I sighed in defeat. Wala akong magagawa kung hindi maghintay.

Unti unti na ring umaandar yung mga sasakyan. Malapit ng mag 10 pm tapos malayo pa yung kina Kief. Pero it’s better late than never naman eh. Kailangan ko lang umabot dun before 12, pwede na yun!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Waiting in vain. I just hope that I’m not waiting for nothing. I can be patient, pero ngayon, hindi ko kaya yun. Time’s running kaya naman naiinip na ako sa pagdating ni Grace.

“Ikaw lang yata yung may birthday na parang biyernes santo yung mukha!” kumento ni Ryan sabay subo ng barbeque.

“Bro! Wala pa kasi yung prinsesa niya!” sabi ni Juami. “Siyempre, ganyan hitsura niyan!”

I felt a pat on my shoulder. Napalingon ako at nakita si Kris. “Darating yun bro. Tiwala lang.”

I gave him a faint smile. “Alam ko. May tiwala ako dun.”

“Pero malapit ng mag ten.” Sabi ng isang boses, which i figured out na kay Thirdy. “Itutuloy mo pa rin ba manong?”

Napalingon lahat nung teammates ko sa kapatid ko. Yung ibang bisita eh nasa loob ng bahay, yung iba umuwi na, yung iba naman, ewan ko kung saan na.

“Bakit bro? Anong merong ngayong ten?” tanong ni Gwyne.

Sasagot na sana ako kaso biglang sumingit si Thirdy. “Papakawalan na niya yung prinsesa niya pag di pa dumating by ten.”

Lahat sila napatingin sa akin. Some of them were giving me a weird stares, yung iba naman seryosong seryoso, lalo na si Nico at si Von, na alam kong medyo malapit kay Grace.

I sighed for the nth time today. There’s no point in lying to them. “That’s true.”

“What??!” sabay sabay nilang tanong.

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon