It’s Monday so it means reporting day na sa history class. Kinakabahan na nga ako eh. Kahit sa first class ko, di ako makapag concentrate masyado. Buti na nga lang at nagnotes lang kami. Kinakabahan na ako kasi ewan! Di ko alam basta parang may butterflies sa tiyan ko. Ang lamig na nga ng kamay ko eh. Kainis naman kasi ngayon pa ako dinalaw ng hiya. Siguro dahil nasobrahan na sa kapal ang mukha ko kahapon sa panglilibre sa akin ni ibon kaya ngayon, naging manipis nalang ito ngayon.
To be honest nag enjoy ako ng sobra kahapon. Akala ko nga mabwibwiset lang ako, pero I was wrong. Masaya silang kasama magkakapatid, and, sige na nga! Pati rin si ibon, enjoy kasama.
“Oops sorry!” Waaah! Nakabangga ulit ako! Shet!
Muntikan na akong matumba. Parang dingding naman kasi yung nabunggo ko eh. Buti na lang nahawakan niya agad ang braso ko at naalalayan.
“Grace?” sabi nung nakabunggo ko.
Hinarap ko kung sino ang nakabangga ko.
“Ibon?” ako.
Yung mukha niya eh parang ewan.

BINABASA MO ANG
Love Game
Teen FictionWhat if you have to choose between your DREAMS and LOVE? Would you choose to get both knowing that you can't give your best? Or would you rather choose one, knowing you'll lose the other? Life is a tough game. A game that everyone plays. But unlike...